Bukol kung bukol na ang labanan sa pagbabalik ni Albie Casino!

SI ALBIE dapat ay kasama sa casts ng Way Back Home, pero sa nangyaring buntis-issue with Andi, siya’y ipinol-out ng management sa nasabing project.

Si Enrique Gil ang ipinalit sa kaniya as Kathryn Bernardo’s love angle.

Anyway, ayon pa sa aming source, ang remake ng “Problem Child” ang gagawin ni Albie, isang mapaghamong role bilang isang rebeldeng anak.

“Magkakaroon ng sexy scenes dito si Albie. Bagong Albie ang mapapanood ninyo. Magpapantasya ang mga babae’t bakla sa kanyang katawan sa movie na ito kapag natuloy ang mga sexy scenes niya,” bida pa sa amin.

Noong pansamantalang nawala sa sirkulasyon si Albie, pinagtuunan pala nito ang pagpapalaki at pagpapaganda ng katawan. Nagdyi-gym, nagma-martial arts at naglalaro ng basketball bilang paghahanda sa kaniyang pagbabalik.

Kaya pala, masasabing blessings ang pagkakasangkot ni Albie sa isyu ni Andi dahil mas lalo itong napansin, napag-ukulan ng panahon para ilunsad as mature actors gaya nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz.

Wala pang final castings ang Problem Child, pero sana’y isa ring sexy star na walang patawad kung makipagromansahan sa leading man.

Sino kaya ang bet n’yo para makipag-l-to-l with Albie?

Maja Salvador, Jessy Mendiola o Cristine Reyes? Sino man sa kanila, kainggit! ‘Di ba, Rommel Placente?

***

IBINUHOS Direk Wenn Deramas  ang sama ng loob sa mga bumisitang press sa location ng ginagawa nitong pelikulang “Private Benjamin” sa Boystown, Marikina last Tuesday, sa Star Cinema dahil sa pagpapahiram nila ng konsepto ng “Tanging Ina Mo..” sa produksiyon ni Vic Sotto na gumagawa din sa kasalukuyan ng MMFF entry na, Tanging Ina Meets Enteng.

Noong nakaraang Star Awards for Movies daw nalaman ni Direk Wenn thru Eugene Domingo na ginagamit na pala ang Tanging Ina Mo concept without his knowledge.

“Doon ako nanghina,” sa ibinalita daw ni Uge na in full swing na pala ang Tanging Ina, meets Enteng at wala siyang kaalam-alam.

“Kasi, walang nagsabi sa akin na, it’s Tanging Ina. So, paano siya naging original concept kung Tanging Ina Meets Enteng?” katuwiran ni Direk Wenn.

Wala daw nag-inform sa kaniya, ni si Ai-Ai delas Alas na kasama ni Vic sa Tanging Ina Mo Meets Enteng, pati ang Star Cinema, hindi ipinaalam sa kaniya ang nasabing proyektong gagawin ni Ai Ai with his (direk Wenn) original Tanging Ina concept.

“Ang ipinakita sa akin ay ibang konsepto, so wala sa hinagap ko na ang gagawin pala ay ang Tanging Ina Mo Meets Enteng?”

Kaya ba sumama ang loob niya sa mga kinauukulan? “Siyempre po, kahit kayo hindi puwedeng hindi sumama ang loob n’yo. Nanghina ako, kahit tumanggap ako ng award (ng gabing yon), nalilito ako. (Feeling ko), masasaktan ba ako o maliligayahan?”  nakangiting sagot ni direk Wenn.

Doon na raw siya nagsalita na lahat ng Star Cinema na iaalok sa kaniya, lahat yon ay ito-turn down niya.

Halimbawang dalawa sila ni Direk Tony Reyes ang magdirek Si Tony sa Enteng episode at siya (Wenn) naman sa Tanging Ina episode?

” Kung ikaw si Wenn, papayag ka?” makahulugang bitaw ni direk sa amin.

Nasaktan siya sa paglukso ng konsepto sa ibang produksiyon. Kasi raw, yong Tanging Ina concept, halaw ang kuwento ng bida (Ai Ai) sa yumao niyang nanay? Kaya’t napakasagrado o halaga ito  kay Direk Wenn na inabot ng ilang sequel sa Star Cinema, na pulos breaking recvords ang resulta sa takilya. “Hindi ko inililihim sa lahat na ang characterization ni Ai Ai do’n, nanay ko. Although, wala naman kaming doseng (isang  dosena) magkakapatid, o hindi naman siya (Wenn’s mother) nagpapalit-palit ng asawa, pero yong tema ng comedy at drama, nanay ko yon!” pagdidiin  pa ni direk.

***

MALAKING pressure raw kina Kathryn Bernardo at Julia Montes ang susunod nilang project, ang “Way Back Home” ng Star Cinema na showing na this August 17.

Pressure ngang maituturing sa dalawang pinakabagong homegrown actresses ng local cinema dahil sila ang namayagpag sa rating sa primetime slot habang umi-ere ang Mara Clara.

Open naman sa lahat na walang gustong tumapat sa nasabing serye dahil poor second lamang ang kanilang magiging kalalagyan. Kaya nga, ginawan agad ng follow-up ang dalawa, na kahit pa movie ( at hindi teleserye) ito ay inaasahang gagawa ito ng rekord sa takilya.

Isa rin itong “make or break ” sa dalawang lead stars ng WBH, dahil kapag pumatok ito, magkakatotoo ang sinasabi nilang sila na nga ang next Judy Ann Santos(for Kathryn) at next Claudine Barretto (for Julia).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply