Bulldogs nagantihan ng Falcons

NABAWIAN ng Adamson U Falcons ang National U Bulldogs matapos ang 68-53 panalo ng una sa second round eliminations ng 74th UAAP men’s basketball tournament sa Big Dome kahapon.

Tinarak ng Falcons ang ika-apat na winning streak ng magbida sa opensa si Alex Nuyles na may 13 puntos, limang assists at tatlong rebounds kabilang ang 3-of-3 sa three point shooting.

Tangan ng Adamson ang 7-2 win-loss slate kung saan ay nakalapit sila ng bahagya sa Ateneo Blue Eagles na may 8-0 panalo-talo karta.

Sa first round ng elimination ay sinakmal ng Bulldogs ang Falcons, 63-56 kaya naman ayon kay Adamson coach Leo Austria ay determinado talaga ang kanyang mga bataan na makabawi mula sa masakit nilang pagkatalo sa NU.

Kumana rin si Janus Lozada ng 13 points para sa Falcons upang bale walain ang ginawang 31 pts. ni Bulldogs guard Bobby Ray Parks.

Nalaglag sa 3-6 record ang NU.

Samantala, nakabawi rin ang last year’s runner up Far Eastern University Tamaraws sa University of the Philippines Fighting Maroons matapos ang 59-53 panalo ng una at makahabol sa third spot na may 5-4 baraha.

Sumandal ang Tamaraws kay reigning MVP Ryan Garcia na tumikada ng 25 puntos, kasama ang pagkamada ng 18 puntos sa fourth quarter upang makahabol ang FEU mula sa 48-35 iskor sa pagtatapos ng third canto.

Sa unang pagkikita ng FEU at UP ay nanaig ang huli 63-76.

Nasa pang-pitong puwesto ang UP na may 2-7 card.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply