Bumbay nagsawa sa mukhang perang GF, nagbigti

PATAY ang isang Indian national nang magbigti matapos hindi na makayanan ang pamemera sa kanya ng Pinay na girlfriend.

Nabatid na nagpatiwakal ang biktima sa hiya sa kanyang kuya na nagbigay ng puhunang pang-five six sana ng biktima sa loob ng kanyang bahay sa GSIS Village, District I, Cauayan City, sa ulat ng pulisya kanina.

Base sa report na nakarating sa Camp Crame, nangingitim na at wala nang buhay nang matagpuan ang biktima na si Nerad Kumar, 22, tubong Punjab, India na nakitang nakabitin sa ikalawang palapag ng tinutuluyan nilang bahay.

Lumalabas sa imbestigasyon na positibong nag-suicide ang biktima base sa iniwan nito suicide note at sinasabi nitong dahilan ay sobrang sama ng loob dahil sa matinding problema sa kanyang nobya na taga-Bulacan.

Nakasaad sa suicide note ni Kumar na isinulat niya sa isang pahina ng notebook na pineperahan siya ng kanyang nobya at pamilya nito.

Nag-sorry rin ang Indian national sa kanyang kuya na nagbigay sa kanya ng pera para sana sa kanyang pagpapautang.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply