BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ika-12 na labas

HANGOS na inilabas ni Joven ang nakitang malaking halaga sa bag ng babae.

“Bakit ang dami mong pera? Saan galing ito?” nanlalaki ang mga matang tanong.

“B-Bigay ng kostumer ko. Mayaman kasi at hindi nanghihinayang magtapon ng pera,” sagot ni Hazel.

“Huwag ka nang magkaila. Nagpayari ka sa kanya kaya ka niya binigyan ng malaking pera. Hindi ba?” surot ng lalaki.

“Sa lugar na ito mo ako hinayaang magtrabaho. Ano ba ang inaasahan mong gagawin ko sa impiyernong lugar na ito?” galit na tanong ni Hazel.

Bigla siyang isinalya palayo ng lalaki tapos ay isinilid sa bulsa ang kinita ng babae.

“Sige! Gawin mong negosyo ang lintik na pu … mo! Pag-uwi mo sa bahay, kailangang may dala kang pera na mas malaki sa kinita mo!” sabi ni Joven at lumayo na.

Ang sama ng tingin ng mga kasamahang GRO ni Hazel sa una.

“Ang dapat sa ganyang lalaki, nilalayasan! Nagtitiis ka ng hirap para kumita tapos ay ang hayop na kabit mo ang nakikinabang. Bakit nagtitiis ka sa piling ng Joven na iyan, mare?” tanong ng kapuwa GRO na si Melody sa babae.

Hindi sumagot si Hazel.

Punong-puno ng pagsisisi sa dibdib …

Magpapakasama rin lang siya, hindi na niya dapat iniwan ang asawa’t anak.

Wala naman siyang napapala kay Joven dahil dyutay.

Bulag lang si Joseph solb siya sa dakota nitong kargada.

At hindi pa sana siya nalayo sa anak na si Angel.

Nami-miss na niya ang kanyang mag-ama pero hindi niya alam kung magagawa siyang tanggapin kung babalik siya.

Bukod dito, paano niya matatakasan ang malupit na si Joven?

Baka pati ang asawa’t anak ay madamay sa gulong pinasok niya.

Marahang ipinilig-pilig ni Hazel ang ulo saka inayos ang sarili.

Parang hindi na niya kayang takasan ang buhay na pinasok …

Kailangang buong tapang na lang niyang harapin …

Bumalik na siya sa silid na salamin ang dingding …

Humanay sa mga GRO na pinagpipilian ng mga kostumer para i-table.

Dasal niya na sana’y wala munang makapili sa kanya …

Gusto muna niyang magpahinga …

Napagod siya kay Enrico …

Sobrang hilig ng lalaki …

Hindi siya tinigilan hangga’t hindi lumalambot ang alaga sa loob ng kanyang lungga.

Nang may dumating na floor manager …

May kasamang lalaki …

Isa-isa nitong hinagod ng tingin ang mga GRO na nakahanay na nakaupo sa loob.

Iniiwas ni Hazel ang tingin …

Ayaw niyang siya ang mapili.

Pero siya ang itinuro ng kostumer.

Napailing-iling ang babae.

“Medyo bago pa kasi ang bibingka ko kaya mabilis,” sabi sa sarili ni Hazel.

Tumayo na siya sa pagkakaupo at lumabas ng glass room.

KARARATING lang ni Aris sa kanyang apartment sa mga sandaling iyon.

May masaya siyang balita kay Joseph.

“Nagkita kami ni Mr. Ching kanina. Ayos na raw ang lahat. Back to work na tayong lahat,” sabi ng bading sa bulag na macho dancer.

“Kailan daw tayo magsisimula at saang lugar? Sa dati pa rin ba?” tanong ni Joseph. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply