BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ika-13 na labas

“MAINIT na sa dati. Lilipat na tayo ng ibang lugar,” sabi ni Aris kay Joseph.

“Kahit saan, okey lang sa akin. Ayokong tumigil sa pagtatrabaho dahil mauubos ang kinita ko. Paano ko mapaghahandaan ang kinabukasan ni Angel at maiipaopera ang mga mata ko?” sabi naman ng huli.

“Huwag kang mag-alaala. Pansamantala lang ang pagtigil ng trabaho mo. Sabi ni Mr. Ching, may konting repair lang na ginagawa sa bago nating gaybar. Pero mga two or three days lang at tapos na!” paliwanag naman ng bading.

Tumahimik na ang bulag.

Anyong nasisiyahan sa sinabi ni Aris.

SAMANTALA, sa VIP Room din dinala ng bagong kostumer si Hazel.

Mukhang manyak din ang kumag ….

Gusto’y romansahin kaagad ang babae nang makapasok sila.

Umiwas muna ang babae.

“Magkano ba ang badyet mo?” tanong niya.

Tanong din ang isinagot ng lalaki na nagngangalang Brando.

Isang OFW na kararating lang mula Dubai.

“Magkaano ka ba?” tanong niya.

“Bente mil!” walang gatol na sagot ni Hazel.

“A-Ang mahal! Ano ba iyang keps mo, ginto?” gulat nitong bulalas.

“Kung gusto mong masiyahan, magbayad ka ng mahal. Pero kung gusto mong makamura, sa Quezon Avenue ka na lang pumunta. Maraming pokpok na nakatambay doon,” sagot ng babae sabay hitit ng sigarilyo na nakasubo sa bibig …

Ibinuga ang usok sa lalaki.

Walang kurap naman itong nakatitig sa kanya.

“Kung sabagay, mukhang masarap ka naman! Pero hindi pa ako nakakapagpalit ng pera. Puwede bang dollars na lang ang ibayad ko sa iyo?”

“Puwede! pay me $350!” sabi ni Hazel.

Dinukot ng lalaki ang namumutok na wallet.

Dumukot ng four hundred dollars …

“Wala akong isusukli riyan. Ibayad mo na lahat.
Sulitin mo na lang sa seks ang sukli,” sabi ni Hazel.

Pumayag ang lalaki.

“Ano pa ang hinihintay mo? Maghubo ka na!” atat na sabi ni Brando.

“Sobra ka naman! Gusto mo kaagad na sumalang ako sa trabaho. Nagugutom ako. Magpakain ka muna para sipagin ako sa pagseserbisyo sa iyo!” sabi ni Hazel.

Sige! Bahala kang omorder ng gusto mong kainin. Iinom muna ako!” sagot ng OFW.

Tumayo ang babae at tinungo ang pintuan pero hindi lumabas.

May pinindot na buton sa gilid nito.

Saglit lang at pumasok na ang waiter.

Omorder si Hazel.

“Dalhan mo kami ng pansit at fried chicken,” sabi ng babae.

Mabilis na kinuha ng waiter ang order at umalis na.

Binalikan ni Hazel ang kanyang kostumer.

Naupo sa tabi nito …

“Wala ka bang asawa at sa ganitong lugar mo naisipang maglinis-tubo?” tanong ng babae habang hinihintay ang order na food.

Umiling ang kostumer.

“Wala kasing magkagusto na babae sa akin!” malungkot niyang sabi.

“B-Bakit? Guwapo ka naman, ah!” takang sabi ni Hazel.

“Hindi naman ang looks ko ang problema, e!”

“Ano pala?”

“Ang alaga ko!”

“B-Bakit? Ano ba ang size niyan? Small, medium or large?” tanong ng GRO. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply