BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ika-15 labas

“S-SANDALI … sandali!” kabadong sabi ni Hazel nang simulang ipilit ng lalaki na igiit ang pang-elepante niyang alaga sa masikip na siwang ng babae.

Parang walang narinig ang gutom sa seks na OFW …

Tuloy ang pagkukumahog ….

“A-Aray .. aray … teka muna!” reklamo ng babae.

Natakot na si Hazel …

Kung hindi tatalab ang pangpatulog na ipinainom niya sa lalaki, patay kang bata ka!

Pero nabuhayan siya ng loob ng maramdamang biglang humina ang pag-pump ng OFW …

Pahina nang pahina …

Hanggang sa tulog itong mapasubsob sa balikat niya.

“Yari ka!” sabi ni Hazel. “Ano’ng akala mo sa akin, bali? Waes ‘to!” kantiyaw ng babae sa tulog na lalaki.

Marahan niyang itinulak palayo sa kanyang balikat ang lalaki.

“Ang bigat ng animal na ito. Kung nadale ako, ilang araw siguro akong magpapahinog sa ospital,” pailing-iling niyang sabi.

Lumabas na ng VIP Room si Hazel.

Kinausap ang waiter …

“Nakatulog sa kalasingan ang ka-table ko. Ikaw na ang bahala,” sabi niya sabay abot ng tip na two hundred bilang balato.

“Okey ka talaga, Hazel. Thank you!” masayang sabi ng waiter.

Maagang umuwi ng umagang iyon ang babae.

Pero hindi siya dumeretso ng bahay ni Joven.

Tumuloy siya sa kanilang bahay ng asawang si Joseph.

Sarado ito.

Kahit ano ang tawag niya ay walang nagbubukas.

Isang kapitbahay ang nagbukas ng bintana at kumausap sa kanya.

“Matagal nang hindi umuuwi riyan ang asawa mo. Umalis sila ni Joseph kasama ang anak ninyo at hindi ko alam kung saan nagtungo,” sabi nito.

“Thank you, Aling Ester,” sagot ni Hazel at umalis na.

Tinatamad na siyang bumalik kay Joven pero wala naman siyang mapupuntahan.

Nagtaksi na lang siya papauwi sa bahay ng kalaguyo.

Habang nagbibiyahe, malungkot na nag-iisip si Hazel.

Nagsisisi siya kung bakit naisipang iwanan ang kanyang mag-ama.

Pagiging beerhouse girl din lang pala ang babagsakan niyang trabaho at magpapalamon ng batugang kalaguyo, sariling pamilya na lang sana ang inasikaso niya.

Nang dumating siya sa bahay ni Joven, tulog na tulog ang lalaki.

Lasing.

Anyong inubos sa inuman ang kinita niya kay Enrico.

Inis na nagpalit ng damit pantulog ang babae at nahiga sa tabi ng lalaki.

Sa pagod niya, tanghali na siya gigising para sa pagpasok niya sa trabaho pagsapit ng gabi.

Ilang saglit pa at tulog na tulog na siya.

Hanggang sa sumikat ang umaga …

Maingay na ang paligid.

Nagising na si Joseph.

“B-Bakit maingay? Umaga na ba?” tanong ng bulag.

“Umaga na, itay,” sagot ng anak na si Angel.

Mula sa kusina, tumawag ang bading na si Aris.

“Lumabas na kayo ritong mag-ama at kakain na,” sabi nito.

Inakay ni Angel ang ama patungo sa kuwarto.

Ilang saglit pa at pakapa-kapa na ng nag-aalmusal ang bulag na si Joseph.

Ang anak na si Angela ang taga-abot ng pagkain sa ama. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply