BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ika-16 labas

HIRAP na hirap si Joseph habang kumakain.

Kung saan-saang parte ng mukha niya tumatama ang kutsara.

Natatapon tuloy ang pagkain.

Naawa tuloy ang anak na si Angel …

Sinubuan ng bata ang ama…

Napailing-iling ang bading na si Aris …

Naaawa siya sa mag-ama.

“Dapat talagang makaipon ka na ng pera para maipaopera mo na ang iyong mga mata at nang makakita ka na,” sabi ni Aris.

“Tama ka. Pero kailangan ko munang magtrabaho para makaipon ako,” malungkot na tugon naman ng bulag.

“Wag kang mag-alala. Magsisimula na tayo mamayang gabi,” sagot naman ni Aris.

Hindi na sumagot si Joseph.

Ipinagpatuloy na ang pagkain sa tulong ng anak na si Angel.

Maagang pinagayak ni Aris ang bulag kinahapunan.

Dahil bago kumagat ang dilim ay lalakad na sila.

Bago sila umalis, muli ay inihabilin nila si Angel sa kapitbahay.

Ilang saglit pa at lulan ng taxi na nagbibiyahe na sila patungo sa bagong gaybar na pagsasayawan ni Joseph.

“Sana ay hindi na ma-raid ang lugar na iyon upang hindi matigil ang trabaho ko,” sabi ng bulag kay Aris.

“Sana nga. Para hindi tayo palipat-lipat ng pinapasukan,” sagot naman ng bading.

Bago at maganda ang gay-bar na pagtatanghalan ni Joseph.

Narito na ang mga kasamahan niyang macho dancer. Dahil bagong lipat sila rito, kokonti pa lang ang mga kostumer.

Hindi pa kasi alam ng kanilang mga suki na lumipat na sila at kung saan ang lugar na iyon.

Medyo matumal ang unang gabi ng pagtatanghal nina Joseph …

Pero sa sumunod na gabi ay nagsimulang dumami …

Apaw na ang mga kostumer sa sumunod na gabi …

Nagdatingan na ang mga dating kostumer at iba pa na gustong makapanood ng kakaibang show.

Sikat na sikat si Joseph…

Siya kasi ang pinaka-macho, pinakamahusay mag-sayaw at pinakamatikas ang kargada.

Bukod pa rito ang taglay niyang misteryo sa bawat entrada niya sa stage…

Patay ang ilaw pagpasok at gayun din sa paglabas.

Ang pagbubukas ng gay-bar ay naging usap-usapan hindi lang ng mga kostumer kundi pati na ng mga babaeng nagtatrabaho sa mga beer-house.

Pati sila ay nagkaroon ng interes na makapanood ng naiibang pagtatanghal sa lugar na iyon.

“Enjoy daw manood sa gaybar na iyon. Sobrang dakota raw ang kargada ng mga macho dancer lalo na ang bulag nilang star dancer,” kilig na sabi ng isang GRO na kasamahan sa trabaho ni Hazel.

“Nood tayo roon sa day off natin,” aya naman ng isa.

Nagkayayaan sila.

Nasa gayun silang ayos nang lumapit si Hazel.

“Sama ka sa amin na gumimik sa day off natin,” aya ng isa.

“Saan naman tayo pupunta?” tanong ng babae.

“Sa gaybar!”

Umingos ang una.

“Hindi pa ba kayo nagsasawa sa ari ng lalaki? Halos gabi-gabi ay nakakakita at nakakahawak kayo nang ganoon!” aniya.

“Pero enjoy raw manood ng show sa gaybar na iyon lalo na kapag ang nagsasayaw ay ang star dancer nila na isang bulag. Ang galing daw niyang mag-macho dancing at ang laki raw ng kargada ng animal.”

“B-Bulag? Bulag ‘kamo ang star dancer?” hindi makapaniwalang tanong ni Hazel. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply