BURLESK KING (Libre Tingin, Bawal Salingin) Ika-17 labas

“HINDI ka nagkamali ng pandinig, mare. Bulag ang star dancer sa lugar na iyon pero guwapo, maganda ang katawan at super dakota ang armas,” kuwento ni Juliet saka malakas na humagikhik ng tawa.

Biglang nag-isip si Hazel.

Gusto niyang sumama pero tiyak na hindi siya papayagan ng kinakasama na si Joven.

Kailangang palabasin niya na may pasok siya kahit wala para makasama siya sa mga kasamahang GRO sa panonood ng show sa gaybar na iyon.

“Sasama ako!” maya-maya’y sabi ni Hazel. “Kailan ba ang lakad natin?”

“Sa Lunes ng gabi!” sagot ni Jana. “Madalang ang kostumer dito kapag ganoong araw kaya puwede tayong maglamiyerda.”

Nagkasundo sila.

Hindi alam ni Hazel na sa pupuntahang lugar ay makikita niya ang asawa.

SAMANTALA, masaya si Joseph sa muling pagkakaroon ng trabaho.

Bukod kasi sa malaki ang suweldo niya, malaki rin ang natatanggap niyang tip sa mga kostumer na natutuwa sa kanya.

Madali tuloy siyang nakakaipon.

Kung gugustuhin lang niya na bumilis ang pag-iipon niya ng pera,
tumanggap lang siya ng offer na one night stand at tiyak na kikita siya ng malaki.

May mga mayayamang bading at matronang kostumer pa nga na nag-aalok na ipaoopera ang kanyang mga mata pero may kapalit.

Oras na makakita siya, kailangang pakisamahan niya sinoman ang mapili niya.

Ayaw ni Joseph.

Ang gusto niya’y galing sa pinagpawisan niya ang gagamitin sa pagpapaopera ng kanyang mga mata.

WALANG mahinang gabi sa gaybar na pinagtatrabahuhan niya.

Laging maraming kostumer.

Kaya halos wala ng maupuan sina Hazel nang dumating sa lugar na iyon.

Suwerte nila dahil may kostumer na umalis malapit sa stage kaya nakapuwesto sila sa inalisan nilang table.

Tuwang-tuwa ang mga loka.

“Mukhang okey nga rito. Pulos tipong artista ang mga macho dancer. Baka dito ko matagpuan ang pangarap kong lalaki,” kilig na sabi ni Jana.

“Gaga! Mahirap magmahal ng katulad natin ang trabaho. Gagawin ka lang parausan!” irap ni Juliet.

Hindi nagsasalita si Hazel.

Sabik siyang makita ang bulag na star dancer na ipinagmamalaki sa
gaybar na iyon.

Hanggang sa biglang magsalita ang DJ …

“LADIES AND GENTLEMEN … THE LONG WAIT IS OVER … LET’S WELCOME THE STAR OF THE SHOW …..”

Panabay na napatingin ang tatlo sa stage.

Nang biglang mamatay ang ilaw …

“B-Bakit pinatay ang ilaw?” takang tanong ni Hazel sa dalawang kasama.

“Ganyan ang intro sa pagpasok ng star dancer,” sagot naman ni Juliet.

Dahan-dahang nagbalik ang liwanag …

Nakatayo na sa gitna ng stage ang star macho dancer …

Gayak Machete …

Nakatungo ….

At kasabay ng malamyos na music, nagsimula siyang gumiling …

Sigawan at palakpakan sa tuwa ang mga kostumer na bading at matrona.

Nanlaki naman ang mga mata ni Hazel nang mapaharap sa kanya ang makisig na macho dancer.

“J-Joseph!” nanlalaki ang mga mata niyang sambit.

“Kilala mo ba siya, Hazel?” tanong ni Juliet.

“Kilalang-kilala!” mabilis namang tugon ng babae. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply