BURLESK KING (libre tingin, bawal salingin) Ika-18 na labas

“PAANO mo siya nakilala?” tanong ni Jana kay Hazel.

“Hindi lang basta kakilala ko ang macho dancer na iyan. May relasyon kami dati. Siya ang iniwan kong asawa!”

Gulat na napatingin ang dalawang kasama kay Hazel dahil sa kanyang sinabi.

“Pero bakit mo siya iniwan?” takang tanong ni Juliet.

“Kasalanan ko. Natakot akong maghirap sa piling niya kaya iniwan ko silang mag-ama at nakisama kay Joven. Pero nagkamali ako sa pagsama sa kanya. Wala pala siyang kuwentang lalaki,” lumong sagot ni Hazel.

“Pero ngayong nalaman mong malaki ngayon ang kinikita ng iyong asawa, makikipagbalikan ka pa ba sa kanya?” tanong ni Jana.

“Puwede! Pero ang tanong, tatanggapin pa ba niya ako matapos ko silang iwang mag-ama sa gipit na kalagayan?” ganting tanong ni Hazel.

Hindi na kumibo si Jana.

Pinanood na lang nila ang pagsasayaw ni Joseph.

Malalim na napabuntong hininga ang dalawang kasama ni Hazel nang tanggalin na ng macho dancer ang tangi niyang saplot at matambad sa kanilang paningin ang pinakaiingatang armas.

“Sayang ang asawa mo, Hazel,” sabi ni Juliet. “At napakalaki mong tanga dahil iniwan mo siya kahit isa siyang bulag.”

Hindi kumibo ang babae.

Kahit siya ay labis na sinisisi ang sarili.

Nang matapos ang number ni Joseph, biglang namatay ang ilaw.

Nang bumalik ang liwanag, wala na siya sa stage.

Naakay na sila ni Aris palabas sa back door.

Tuwang-tuwa si Mr. Ching sa magandang reception ng mga kostumer kay Joseph.

Binigyan na niya ng bansag ang huli …

“Sa susunod, ipakilala ka na hindi bilang star dancer lamang kundi … BURLESK KING!” masaya niyang sabi.

Tahimik na nakangiti lamang ang lalaki.

Ang bading na si Aris ang tuwang-tuwa.

Nasa gayun silang ayos nang lumapit ang isang waiter …

“Joseph, may tatlong babae na gustong mag-table sa iyo,” sabi nito.

“Hindi mo ba sinabi sa kanila na hindi siya nagpapa-table?” sagot ni Aris.

“Pero kakilala mo raw ang isa sa kanila at importante raw na magkausap kayong dalawa.”

Walang nagawa ang bading nang magdesisyon si Joseph.

“Dennis, ihatid mo ako sa table nila!” sabi niya sa waiter.

Inakay ng huli ang burlesk king patungo sa table nina Hazel.

Pinaupo ito sa mismong tabi ng babae.

Hindi umalis ang waiter sa likuran ni Joseph.

Ang bilin ni Aris, huwag niya itong iiwanan para kapag gusto na niyang umalis ay may aakay sa kanya.

“Natatandaan mo pa ba ako, Joseph?” unang tanong ni Hazel.

Napaangat ang ulo ng burlesk king dahil sa narinig.

“H-Hazel? Ikaw ba iyan?” gulat niyang tanong.

“Ako nga … ang iyong asawa!” sagot ng babae.

Biglang tumigas ang mukha ni Joseph.

“Bakit ka naririto? Ano ang ginagawa mo rito?” matigas na tanong.

“Nami-miss ko na kayo ni Angel at gusto kong humingi ng tawad sa inyo,” sabi ni Hazel.

“Hindi na kailangang humingi ka ng tawad. Dahil patawarin man kita ay hindi na kita matatanggap pang muli matapos ang ginawa mo sa aming mag-ama,” galit na sagot ng bulag.

Hindi na nakapagsalita si Hazel …

Nagsimulang mangilid ang luha.

Tinawag na naman ni Joseph ang waiter.

“Dennis, ibalik mo na ako sa dressing room. Nasaan ka ba?” tawag ng burlesk king. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply