BURLESK KING (Pwedeng Tingin Bawal Salingin) Ika-19 labas

MABILIS na lumapit kay Joseph ang waiter.

Inakay ang bulag na macho dancer patungo sa dressing room.

Naiwang nakatungo si Hazel.

Kung ano ang laman ng isipan, tanging siya lamang ang nakaaalam.

Maya-maya’y nakangiting ikinibit niya ang balikat.

“Ayaw niya na balikan ko siya, ‘di huwag!” sabi ng babae.

Nagpatuloy ang kanilang inuman.

Nasa loob ng dressing room si Joseph.

Tahimik na nakaupo.

Anyong masama ang loob pero kinokontrol ang damdamin.

Nasa gayun siyang ayos nang lumapit ang bading na si Aris.

“Nakita ko ang nangyari at naiintindihan kita. Kahit naman sino’ng lalaki, hindi magugustuhang makaharap ang taksil na asawa,” aniya.

“Sawa na ako sa ganitong kalagayan. Kailangang makakita na ako sa lalong madaling panahon. Tulungan mo ako, Aris,” sabi ni Joseph.

“Malaking halaga ang kakailanganin sa iyong operasyon. Kahit gusto kitang tulungan, wala akong pera na ibibigay sa iyo,” malungkot na sagot ni Aris.

“Hindi pera ang tulong na hinihingi ko sa iyo,” sagot naman ni Joseph.

“A-Ano?”

“Ihanap mo ako ng maya-mang kostumer. I-book mo ako. Gusto kong makaipon kaagad ng malaking halaga para sa operasyon ng aking mga mata,” walang gatol na tugon ng bulag na macho dancer.

“M-Magagawa mong magbenta ng katawan?” hindi makapaniwalang tanong ni Aris.

“Iyon lang ang alam kong paraan para makaipon ng malaking pera.”

“Kung sure ka na sa desisyong iyan, ihahanap kita ng kostumer na matabang isda,” pangako ng bading.

SAMANTALA, tinamad nang magtagal ni Hazel sa gaybar.

Inaya na ang mga kasama na umalis.

Kaya matapos bayaran ang chit ay umalis na sila.

Nagtaksi na lang sila papaalis.

“In fairness, guwapo pala ang mister mo kahit bulag,” sabi ng isang GRO kay Hazel.

“At ang laki ng kinabukasan. Hindi ko maubos maisip kung bakit nagawa mo siyang iwanan. Ano ba ang size ng ipinalit mo sa kanya?” tanong naman ng pangalawang kasama.

Hindi sumagot ang babae.

Nabubuwisit siya.

Walang sinabi si Joven kay Joseph.

Ang tanging kalamangan ng una sa huli, nakakakita siya samantalang bulag naman ang asawa.

Pinatulan niya ang lalaki dahil akala niya ay mayaman.

One day millionaire lang pala ang animal.

Naisahan siya ni Joven sa pagiging galante pero nang magsama na sila, lumitaw ang totoo na poor din lang pala siya.

At ngayon, siya ang pinakakayod para sila mabuhay.

Wala siyang naging konsuwelo sa lalaki.

Pinatulan niya ito kahit dyuts sa pag-aakalang mayaman pero hindi pala.

Kung nalaman lang niya kaagad na wala pala siyang mapapala sa lalaki, hindi sana siya nakisama.

Sising alipin tuloy siya ngayon.

Samantala, ilang dance number pa ang tinapos ni Joseph at umuwi na sila ni Aris.

Wala siya sa mood dahil sa naganap na pagtatagpo nila ng asawang si Hazel.

Matapos sunduin ang anak na si Angel sa kapitbahay, kaagad siyang natulog sa kanilang kuwarto.

Kinabukasan, naisipan ni Aris na mag-mall.

Dito sila hindi sinasadyang nagkita ni Captain Monasterio.

Hindi kaagad niya ito nakilala …

Nakasuot kasi siya ng damit babae …

Ang ganda-ganda niya sa ayos na iyon.

“Ikaw pala, Kapitan. Hindi kaagad kita nakilala. Akala ko’y kung sino’ng artista ang kaharap ko,” kilig na sabi ng bading.

“Glenna na lang ang itawag mo sa akin. Resign na ako bilang pulis kaya pareho na lang tayong sibilyan,” nakangiting sagot naman ng dalaga. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply