BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-21 labas

“MALAYO ba ang lugar na pupuntahan natin?” tanong ni Joseph kay Allan nang nagbibiyahe na sila.

“Medyo malayo. Pero huwag kang mag-alaala. Safe kitang ihahatid patungo roon at ligtas ding ibabalik,” sagot ng bading.

Isinandig ng bulag ang likod sa malambot na upuan.

“Hindi ko gustong gawin ito pero kailangan,” sabi niya. “Wala na akong pagpipilian.”

Nakangiting binalingan siya ni Allan.

“Masuwerte ka pa rin. Kahit bulag ka, may asset ka na binabayaran ng isang milyon,” aniya.

“Mayaman ba talaga ang kostumer ko?” tanong pa ni Joseph.

“Ubod ng yaman!”

“Ilang taon na siya?”

” Bente otso!”

“Bata pa pala. Akala ko’y matrona na!” takang sabi ni Joseph.

“Huwag mo nang intindihin kung ilang taon na siya. Ang importante, may nagbabayad sa iyo ng malaking halaga,” sabi ni Allan.

Hindi na nagtanong pa ang bulag.

“Matutulog ako. Gisingin mo na lang ako kapag naroon na tayo,” sabi ni Joseph.

“Sige!” sagot ni Allan at inasikaso na ang pagmamaneho.

Sa isang magandang bahay bakasyunan na nakatayo sa tabi ng bangin na nakapanunghay sa Taal lake sila sila dumeretso.

Ginising ni Alan ang katabi nang nakagarahe na sila.

“Narito na tayo. Gumising ka na!” sabi ng bading sa bulag na macho dancer.

Umunat sa pagkakaupo si Joseph palatandaang gising na siya.

Inalalayan siya ni Allan palabas ng kotse …

Inakay papasok sa magandang bahay bakasyunan.

“Si Mam?” tanong ng bading sa sumalubong na kasambahay.

“Nasa kuwarto niya. Doon mo na raw siya isama,” sagot naman nito.

Inalalayan ni Allan ang bulag paakyat sa hagdanan …

Hanggang sa kuwarto ng kanyang amo …

Kumatok siya sa saradong pintuan …

“Mam, narito na po si Joseph,” tawag ni Allan.

“Hindi naka-lock ang pintuan. Pabayaan mo siyang pumasok,” narinig nilang sagot ng babae sa loob.

Itinulak ng bading ang pintuan at hinayaan pakapa-kapang pumasok ang bulag.

Hindi na siya sumama sa loob …

“N-Nasaan ka, Mam?” pakapa-kapang tanong ni Joseph.

“Dumeretso ka lang!” sagot ng babae na kung makikita lang ni Joseph, malalaman niya kung gaano kaganda at kaaalindog ang sinasabing matrona na nag-hire sa kanya.

Ang dating police captain na si Glenna Monasterio.

Nakasuot lang ito ng manipis na negligee na tanging ang maumbok na kayamanan lamang ang may kapirasong saplot …

Nakabuyangyang ang malulusog na suso na mayabang na nakatinghas sa kanyang dibdib.

Humahalimuyak si Glenna sa mamahaling pabango …

Dahil dito, madaling natukoy ni Joseph ang kanyang kinaroroonan.

Pakapa-kapang hinahanap siya ng bulag …

Hindi naman umiwas ang dalaga …

Unang tinamaan ng mga kamay ni Joseph ang malulusog niyang boobs …

Biglang atras ang kanyang mga kamay.

“S-Sorry po, mam!” mabilis na paghingi niya ng paumanhin.

“Hindi ka dapat mag-sorry. Trabaho mo ang bastusin ako ngayon,” sagot
ng babae.

Napakunot-noo ang bulag nang marinig ang tinig ng babae sa malapitan.

“P-Parang pamilyar sa akin ang boses mo. Kilala ba kita?” tanong ni Joseph.

“Kilala mo ako pero hindi mo pa nakikita!” sagot ng dalaga.

“P-Parang ikaw si Captain Monasterio … ikaw ba talaga?” nakamaang na tanong ng bulag.

“Ako nga!” sagot ng babae.

“P-Pero bakit?”

“Nabayaran na kita. Ang dapat mong gawin ngayon ay gampanan ang iyong trabaho sa halip na magtanong,” pormal na sabi ni Glenna kay Joseph. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply