BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-23 labas

SA buong buhay ni Glenna, ngayon lang siya nahirapan.

Sisiw lang sa kanya ang makipagbarilan sa mga masasamang loob noong isa pa siyang policewoman.

Parang lalaki kasi ang dating niya noon.

Bakal ang puso.

Mahirap palang magpakababae.

Masakit madonselya pero wala siyang maramdamang pagsisisi.

Dahil sa bandang huli ay nag-enjoy din naman siya sa ginawa ni Joseph.

Hanga siya sa una, kahit bulag ay alam ang gagawin pagdating sa kama.

Dakota na ang animal, lalaking-lalaki pa.

Makalipas ang ilang saglit, nanlalambot na bumangon na ang dalaga at nagbihis.

“Siguro naman, sa laki ng ibinayad ko sa iyo ay matutupad na ang pangarap mo na ipaopera ang iyong mga mata,” sabi ni Glenna sa lalaki.

“Salamat!” matipid namang sagot ni Joseph.

Tinawag na ng dalaga si Alan para ihatid ang macho dancer na bulag pauwi sa kanila.

Ilang saglit pa at nagbibiyahe na ang dalawa.

Biniro ng una si Joseph.

“Ang suwerte mo kay Mam. Nadonselya mo na siya, binayaran ka pa ng mahal,” sabi ng bading.

“Hindi ko alam kung bakit ginawa niya iyon,” sabi ng una.

“Matanong kita, nag-enjoy ka ba sa kanya?” tanong pa ni Alan.

“Ano’ng klaseng tanong iyan? Ang kinis at ang lambot ng kanyang katawan tapos ay virgin pa. Paano’ng hindi ako mag-eenjoy sa kanya?” nakangiting sagot naman ni Joseph.

“Kapag nakakakita ka na at nakita mo si Mam, hahanga ka sa kanya at tiyak na nanaisin mong magkaroon ng part two ang sexbout ninyong dalawa. Ang tanong ay kung papayag siya.”

“Okey lang kung hindi na siya pumayag. Ang mahalaga, ako ang nakauna sa kanya kahit hindi ko siya nakikita,” sagot ni Joseph.

Saglit na natigil ang kanilang pag-uusap.

Ipinagpatuloy naman ni Alan ang pagmamaneho.

Hanggang sa makarating sila sa apartment ni Aris.

Inalalayan ng bading si Joseph sa pagbaba sa kotse…

Inihatid patungo sa pintuan ng apartment …

Siya na rin ang kumatok…

Walang nagbukas ng pintuan.

“ARIS, NAGBALIK NA AKO! BUKSAN MO ANG PINTUAN!” malakas na tawag ni Joseph.

Nanatiling walang kumikilos sa loob …

Nang lumapit sa kanila ang kapitbahay na si Aling Minda na pinaghabilinan nila kay Angel …

Kasama niya ang bata.

“Simula nang umalis ka, hindi pa umuuwi si Aris,” sabi ng matandang babae.

“H-Ho?” gulat na tanong ni Joseph.

“Masama ang kutob ko sa baklang iyon,” biglang sabi ni Alan. “Baka itinakbo na ang isang milyong piso na ibinayad sa iyo ni Glenna.”

“Hindi niya magagawa sa akin iyon!” paiyak na sabi ng bulag na macho dancer.

“Walang imposible sa taong nasilaw sa kinang ng salapi, Joseph,” giit ni Alan.

Gimbal ang bulag.

“D-Diyos ko! Paano na kami ngayon ng anak ko?” paiyak niyang sabi.

Wala ng pera ay hindi pa makakapasok sa trabaho dahil si Aris ang tagahatid at taga-sundo niya sa pinapasukang gaybar.

Pati ang anak na si Angel ay hindi naiwasang maiyak ng makita ang pamomroblema ng amang bulag.

“Hayop na Aris iyon. Hindi na siya naawa sa mag-ama!” galit namang sabi ni Aling Minda na siya ngayong namroblema kung sino ang titingin kina Joseph at Angel.

Napailing-iling si Alan.

Maging siya ay nahihirapan dahil sa kalagayan ng una na isang bulag at may anak pa.

Sa awa, dumukot ng pera ang bading at iniabot kay Aling Minda.

“Tatlong libo iyan, misis. Iyan lang ang kaya kong itulong sa kanila.

Babu na! Baka hinihintay na ako ng amo ko,” paalam ni Alan at sumakay na sa gamit na kotse. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply