BURLESK KING (Pwedeng tingin, Bawal salingin) Ika-25 labas

GALIT na galit tuloy si Mr. Ching.

Kaagad niyang tinipon ang kanyang mga floor manager at pinulong.

Itinanong kung bakit hindi pumasok si Aris na nagsisilbing guide ni Joseph patungo sa gaybar.

“Wala siya, bosing. Hindi dumating,” sabi ng isang floor manager.

“Ano ba’ng klaseng bakla iyon? Alam niya na hindi puwedeng lumiban dito ang kanyang alaga. Magagalit ang mga kostumer natin,” galit na sabi ni Mr. Ching.

“Hindi nga naming alam kung bakit hindi siya dumating, bosing.”

“Sino ba ang nakakaalam kung saan nakatira ang bading na iyon? Puntahan ninyo siya at sunduin si Joseph,” utos ng may-ari ng gaybar.

“Bosing, alam ko kung saan nakatira si Aris,” sabad ng isang waiter na ipinasok sa trabaho ng una. “Sa lugar namin siya nakatira.”

“Puntahan mo siya. Gamitin mo ang isang serbis natin. Bilisan mo!” utos ni Mr. Ching.

Mabilis na tumalima ang inutusan.

Nagsama siya ng driver at gamit ang isang L300 Van na sumugod sila sa kanilang lugar para puntahan ang apartment na tinutuluyan ni Aris.

Kung ilang ulit silang bumusina pagdating dito.

Nang walang magbukas, kinalampag ng waiter ang gate na bakal.

“Parang walang tao. Hindi na yata nakatira rito ang mokong na iyon,” sabi ng waiter ni Mr. Ching.

Dahil sa ingay sa katabing unit, nagising si Aling Minda.

Nakita niya na dalawang lalaki na ang isa ay namumukhaan niya ang tumatawag sa apartment ng bading.

Lumabas ang matandang babae.

“Wala si Aris, Dondon. Hindi na siya umuuwi riyan!” sabi ni Aling Minda.

“Hindi ho naman siya ang talagang kailangan namin kundi ang bulag na si Joseph.
Isinama ba siya ni Aris sa kanyang pag-alis?” tanong ng waiter.

“Narito siya. Tinakasan silang mag-ama ng bading na iyon,” sagot naman ng matandang babae.

“Puwede ko ho ba siyang makausap?”

Ginising ni Aling Minda ang bulag.

Natuwa ang una nang malamang taga gaybar ang naghahanap sa kanya.

“Ipinasusundo ka ni Mr. Ching. Kailangan ka sa gaybar. Nagrereklamo ang mga kostumer natin dahil wala ka. Nasaan ba si Aris at hindi ka inihatid dito?” tanong ni Dondon.

“Tinakasan niya ako at tinangay lahat n g kinita ko. Hindi ako makapunta sa gaybar dahil hindi ko alam ang lugar na iyon at bukod dito, hindi ako
makakapunta rito nang nag-iisa dahil. Wala akong nakikita,” sagot naman ni Joseph.

“Kung papayag ka, ako na ang magiging guide mo simula ngayon. Gumayak ka at isasama kita sa gaybar ngayon din!” sabi ni Dondon.

Karakang kinausap ng bulag si Aling Minda.

Humingi ng permiso.

“Dahil kilala ko si Dondon, papayagan kitang sumama sa kanya kung ang sinasabi mong trabaho ang tanging paraan para kumita ka ng pera,” sagot ng matandang babae.

Matapos silang mag-usap ni Joseph, si Dondon naman ang hinarap ni Aling Minda.

“Nakita mo naman ang kanyang kalagayan. Huwag mo sana siyang pababayaan. Kawawa ang anak niya na si Angel,” sabi ng matandang babae sa lalaking kalugar.

“Huwag po kayong mag-alaaala. Ako po ang bahala sa kanya,” sagot naman ni
Dondon.

Mismong ang waiter na ang tumulong kay Joseph sa pagbibihis.

Ingat na ingat sila para hindi magising si Angel.

Ilang saglit pa at nagbibiyahe na sila patungos sa gaybar.

Biglang naiba ang sitwasyon sa lugar nang ipahayag ng discjockey ang pagdating
ng itinuturing nilang burlesk king.

Naiibang pagtatanghal na naman ang kanilang masasaksihan kaya masaya silang nagpalakpakan. Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply