BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-28 labas

“MARAMING salamat po ayokong umalis kami rito ng itay. Masaya na po kami na si Aling Minda ang kasama. Komportable na kami sa piling niya,” sabi ni Angel kay Alan.

Napailing-iling ang bading.

“Kung iyan ang desisyon ninyo ay wala akong magagawa. Ipinaabot ko lang sa inyo ang magandang alok ni Glenna,” aniya.

“Pakisabi po sa kanya na maraming salamat,” sagot naman ni Angel.

“Ano pa nga ba ang magagawa ko kundi sabihin ang gusto mo?” mataray na sagot pero nakangiting sabi ni Alan.

Matapos ang konti pang pakikipag-usap ay nagpaalam na ang bading na alalay ng dating policewoman.

“Alam ninyo, sayang ang alok ng babaeng iyon sa inyo. Libre tira na kayo, ipaoopera pa ang iyong mga mata,” sabi ni Aling Minda sa mag-ama.

“Nasabi ko na po sa inyo ang stand ko. Tutal ay nagagawa ko namang maghanap-buhay, ayokong umasa sa tulong ng iba. Gusto kong mabuhay kami ni Angel at makakita ako sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap,” sabi ni Joseph.

“Desisyon mo iyan at wala akong magagawa, iho. Okey lang naman sa akin na dumito kayo dahil hindi kami magkakahiwalay ng cute na anak mo,” masayang sabi ng matandang babae saka niyakap ang tuwang-tuwang si Angel.

Nararamdaman ng bulag na masaya ang anak sa piling ni Aling Minda kaya masaya na rin siya.

SA mga sandaling iyon, gising na rin si Hazel.

Kasabay niyang nag-aalmusal ang kalaguyong si Joven.

Hindi makapaniwala ang lalaki sa kuwento ng una.

“Ibig mong sabihin, rumaraket na rin ang bulag mong asawa sa pamamagitan ng pagsasayaw bilang macho dancer?” tanong niya.

“At malakas siyang kumita. Siya ang star dancer sa gaybar na pinapasukan niya!” sagot naman ni Hazel.

Biglang nag-isip si Joven.

“Bakit hindi ka makipagbalikan sa kanya? Tapos ay tayo na lang ang mag-manage sa career niya para sa atin mapunta ang kinikita niya!” suhestiyon ng lalaki.

“Ayaw na niya sa akin! Marinig lang niya ang boses ko, nasusuklam na siya!” sagot naman ni Hazel.

“May paraan para mapasunod natin ang asawa mo sa lahat ng gustuhin natin.”

“Paano?”

“Sa pamamagitan ng anak ninyo na si Angel. Kapag nahawakan natin siya, tiyak na susunod si Joseph sa lahat ng gusto natin.”

Saglit na nag-isip si Hazel.

Alam niya ang takbo ng isip ni Joven.

“Pabayaan na nga lang natin sila,” sabi ng babae.

“Ikaw ang inaalaala ko. Madali kang magagastado. Puwede namang ang asawa mo na lang ang magtrabaho para sa atin kaya bakit pahihirapan mo pa ang iyong sarili?” sagot ng lalaki.

“Hindi ko magagawang kumbinsihin si Angel na sumama sa akin. Tiyak na masama rin ang loob niya sa akin dahil sa pag-iwan ko sa kanilang mag-ama,” sabi ni Hazel.

“Sino naman ang may-sabi sa iyo na kukumbinsihin mo siya?” patanong na sagot ni Joven.

“Ano ba ang plano mo?”

“Dudukutin natin ang bata at kapag nasa kamay na natin siya, pustahan kapag
hindi siya sumama sa atin!”

May punto si Joven.

At dahil masama ang loob niya kay Joseph dahil sa pagtanggi na muli silang magsama, gusto na niyang umayon sa plano ng kinakasama.

“Okey! Pagplanuhan nating mabuti kung paano natin makukuha si Angel at mada-dala rito,” sabi niya kay Joven.

“Napakadaling trabaho niyan, sweetheart!” sabi ng lalaki at biglang binuhat ang asawa para dalhin sa kuwarto.

“A-Ano ba? Hindi pa tayo tapos mag-almusal!” reklamo ng babae.

“Busog na ako pero gutom ako sa alindog mo. Kaya ikaw naman ang aalmusalin ko sa ating kuwarto,” gigil na sabi ng lalaki saka hangos na dinala ang babae sa kanilang silid.

Maya-maya lang at wala ng maririnig sa loob ng kanilang silid kundi tili ng babae at kalabugan ng dalawang katawan na nagsasalpukan sa ibabaw ng kama. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply