BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-30 labas

NAGTATANONG ang baklang alalay ng dumating.

“Hindi ba tayo gigimik mamayang gabi?” tanong ni Alan.

“Wala! May importante akong lakad mamayang gabi,” sagot ni Glenna.

“Saan?”

“Sekret!”

“HIndi ko gusto ang ganyang sagot. Parang may pupuntahan kang maganda pero ayaw mo lang akong isama,” maktol ng alalay.

“Personal na lakad ito. Hindi kita puwedeng isama!”

“Sige! Pero pag naisipan mong pumunta sa gaybar, isama mo naman ako. Sabik na akong mag-shopping ng mga live hotdogs. Parang hindi na gumagana ang energy ko dahil matagal na akong hindi nakakakita,” sabi ni Alan.

Ang lakas ng tawa ni Glenna.

“Kayong mga bakla, masahol pa sa mga babae,” aniya.

“Masyado lang kaming showy. Pero ang mga tunay na babae, maarte lang sila pero ang totoo, lihim ding kinikilig kapag nakakita ng iba’t ibang breed ng mga penis!”

“Sanay na ako sa mga iyan. Nakalimutan mo na ba kung ano ang dati kong trabaho?” sagot ni Glenna.

“Sanay kang makakita pero hindi sa paghipo na parang namimili ng bibilhing isda sa palengke. Katunayan, kailan ka lang ba na-devirginized?” sabi naman ni Alan.

“Alam mo, ayoko nang pinag-uusapan ang mga bagay na personal sa buhay ko.
Nagagalit ako,” pormal na sabi ni Glenna.

“Sorry po!” mabilis namang paghingi ng paumanhin ni Alan.

May time na nakakalimot siya gaya ngayon, na ang kanyang amo ay isang dating opisyal ng pulis.

Nagretiro nga lang dahil sa pakiusap ng mayaman at negosyanteng ama na mahina na para i-manage ang kanilang mga business.

“Basta huwag mo akong kalilimutan kapag naisip mong mag-gay bar!” dagdag pa ni Alan at lumayo na sa amo.

Naiwang pailing-iling si Glenna.

Kung alam lang ng bading na sa gaybar talaga siya pupunta.

Ayaw lang niya itong isama dahil tiyak siyang iintrigahin nito.

Nang dumating nga ang gabi ay humanda na sa pag-alis si Glenna.

Binago ng dalaga ang ayos ng kanyang buhok saka nagsuot ng salaming itim.

Rugged ang gayak niya.

Nakapantalong itim at jacket naman ang pang-itaas.

Ilang saglit pa at nagbibiyahe na siya sa gaybar.

Inabutan siya ng trapik habang nagbibiyahe.

Tahimik niyang pinagmasdan ang mga taong tumatawid sa pedestrian lane.

Nang biglang manlaki ang kaniyang mga mata sa nakita.

Ang dating baklang alalay ni Joseph na si Aris at nagtakbo sa isang milyong piso ng bulag na macho dancer.

Anyong masayang-masaya ang hitad.

Nakaabrasiyete sa isang macho dancer na kasabay niyang naglalakad.

Biglang kumulo ang dugo ng dalaga.

Umiral ang pagiging pulis kahit hindi na siya alagad ng batas.

Hangos na lumabas siya ng kotse at kinompronta si Aris.

“Animal kang bading ka! Matagal na kitang hinahanap dahil sa pagtakbo mo sa pera ni Joseph,” surot niya sa bakla.

Takot na takot ang loka.

Biglang napasaklolo sa machong kasama.

“T-Tulungan mo ako, Favian. Hindi ko kilala ang babaeng iyan. Napagkamalan lang niya ako. Wala akong nalalaman sa mga ibinibintang niya sa akin,” sabi ni Aris kay macho man.

Kaagad naman nitong hinarap si Glenna.

Biglang dumukot ng piso saka nakakalokong kinausap ang dalaga.

“Hoy, miss! Kung wala kang makausap, bumili ka ng kausap mo!” nakangisngis nitong sabi sabay hagis sa pera sa dating policewoman. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply