BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-32 labas

HINDI nagsalita si Glenna pero biglang umigkas ang isang paa.

Sapol sa yagbols ang macho man.

Nang mapauklo ito, biglang kinarate sa batok.

Padapang bumagsak ito sa kalsada.

Anyong tatakbo si Aris pero umastang bubunot ng baril sa likuran ang dalaga kahit wala.

“Huwag kang tatakbo! Babarilin kita!” banta niya kay Aris.

Sa takot, parang ipinako sa kinatatayuan ang bakla.

Galit na dinakot ni Glenna sa pitsera si Aris.

“Animal ka! Hindi ka na naawa sa bulag. Nagpapakahirap siyang magtrabaho para kumita ng pera pero itinakbo mo ang kinita niya!” gigil na sabi ng dalaga.

May dumating na pulis.

Karakang nagpakilala ang dalaga sabay turn over kay Aris sa kanila.

“Ikulong ninyo ang hayop na iyan. May kinakaharap na kaso ang animal na iyan.
Pinagnakawan niya ng malaking halaga ang ang isang bulag,” sabi ni Glenna.

Dinala ng mga pulis si Aris ang bata niyang macho man.

Inayos naman ng dalaga ang sarili at dumeretso na sa gaybar na kinaroroonan ni Joseph.

Marami ng kostumer …

Wala ng puwesto malapit sa stage.

Nakakuha ng bakanteng tabl ang dalaga sa third line na ng mga upuan.

Dinig niya ang usapan ng mga mapeperang bading at matrona sa kalapit.

Gusto nilang i-table at i-take out ang bulag na macho dancer.

Hindi papayag si Glenna na sa iba mapunta si Joseph.

Tinawag niya ang isang floor manager at kinausap.

Sagot niya ang pinakamataas na bidding para masigurong maii-table niya ang macho dancer.

Matapos ito ay nagpakilala siya.

Takot lang ng floor manager …

Alam niya na isang tawag lang ni Glenna at magugulo ang buhay nila sa gaybar.

Kaya nang makalibre na ang bulag na macho dancer, inakay niya ito patungo sa table ng dalaga.

“Kumusta ka na, Joseph?” bati ng dalaga sa lalaki.

Saglit na natigilan ang una …

Pamilyar kasi sa kanya ang boses na nagsalita …

“M-Mam Glenna … ikaw ba iyan?” hindi makapaniwalang tanong.

“Ako nga!”

“S-Salamat naman at naisipan mong dumalaw dito,” excited niyang sabi.

“May maganda akong balita sa iyo, Joseph,” sabi ng dating policewoman.

“A-Ano iyon, Mam?”

“Nahuli na si Aris. Sa laki ng perang itinakbo niya sa iyo, tiyak na mabubulok siya sa bilangguan!”

“Ibalik lang niya sa akin ang pera, handa ko siyang patawarin,” walang galit sa tinig na sabi ng bulag na macho dancer.

“Malabo na niyang ibalik iyon sa iyo, Joseph. Hindi pa man ito nauubos, tiyak na konti na lang ang natitira dahil sa panlalaki niya,” sabi ni Glenna.

Malungkot na napailing-iling ang macho dancer.

“Sayang ang perang iyon. Naipaopera ko na sana ang aking mga mata,” aniya.

“Puwede kong palitan ang perang iyon para matupad na ang iyong pangarap pero bakit ayaw mong pumayag?” tanong ni Glenna.

“Nakakahiya kasi sa iyo, Mam. Isa pa, gusto kong makakita sa pamamagitan ng sarili kong pagsisikap. Hindi naman ako inutil tulad ng ibang bulag. Kahit papaano ay kumikita ako at palagay ko ay madali akong makakaipon,” sagot ng bulag na macho dancer.

“Madali ka lang makakaipon ng pera kung ibebenta mo ang iyong sarili, Joseph,” sabi ni Glenna.

Hindi umimik ang una.

Ganito na kasi ang plano niya para mapadali ang operasyon niya para maproteksiyonan ang anak na si Angel.

Kung magtatagal kasi siyang bulag, nararamdaman niyang magtatagumpay si Hazel na makuha ang anak sa hindi niya malamang dahilan.

“Kung gayun din lang ang plano mo, ako na lang ang bibili sa katawan mo para madali kang makaipon,” patuloy ng dalaga na ikinamangha ni Joseph. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply