BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin) Ika-33 labas

NATIGILAN si Joseph sa alok ni Glenna.

Nararamdaman niya na seryoso ang ubod ng yamang dalaga at parang gusto na niya itong pagbigyan.

Pero umiiral pa rin ang kanyang pride.

“Bakit mo ginagawa ito, Mam? Kahit hindi kita nakikita, alam kong maganda ka at mayaman pero bakit inaaksaya mo ang iyong panahon sa isang bulag na tulad ko?” naisipan niyang itanong sa dalaga.

Mahabang sandaling hindi kumibo si Glenna.

Nasa gayun silang ayos nang lumapit ang waiter na si Dondon.

“Ipinatatawag ka na sa dressing room. Kailangang maayusan ka na raw dahil malapit na ang number mo,” sabi nito.

Marahang tumayo ang bulag na macho dancer.

“Sorry, Mam pero maiiwan ulit kita. Babalikan na lang kita mamaya,” paalam ni Joseph.

“Sige! Hindi ako aalis dahil hihintayin ko ang pag-uwi mo. Ihahatid kita sa inyo,” sabi ni Glenna.

Dinig na dinig ni Dondon ang sinabi ng dalaga kaya tigas na biro niya sa bulag.

“Ibang klase ka talaga, Joseph. Nakakainggit ka. Babae pa ang nanliligaw sa iyo kahit bulag ka. Biro mong iha-hatid ka raw pauwi. Libre sasakyan tayo mamaya,” aniya.

“Kaibigan ko lang si Mam at mabait siya sa akin,” sagot naman ng bulag na macho dancer.

Hindi na naman nagbiro pa si Dondon.

Iginayak na ng make-up artist si Joseph.

Makalipas ang ilang saglit, sa labas ay biglang nagdilim ang stage.

Nagtaka ang mga bagong pasok…

Kalmado lang ang mga datihang kostumer.

Alam na nila kapag nagdilim ang stage.

Hudyat ito ng pag-akyat sa stage ng bulag na burlesk queen.

As expected, nang magbalik ang liwanag ay nakatayo na sa gitna ng stage si Joseph.

Hinihintay ang kanyang background music para sa mainit niyang pagsasayaw.

Ang lakas ng dating niya sa audience.

Sinalubong siya ng malakas na sigawan at palakpakan.

Pero bigla silang natahimik nang magsimula siyang gumiling.

Lalaking-lalaki ang bawat galaw…

Naglilikot ang imahinasyon ng mga mayayamang bading at mapeperang matrona habang nagsasayaw si Joseph.

Iniisip nilang kasama sa isang silid at katabi sa isang kama ang bulag na macho dancer.

Mainit silang nagtatalik.

Dahil dito, inulan ng indecent proposals si Joseph.

Pataasan sila ng presyo para lang makapiling ang bulag na macho dancer sa buong magdamag.

May mga sulat sila na may nakalagay na contact number para sa una na si Dondon ang nakakatanggap at siyang bumabasa sa harap ng una.

Kung lahat ng ito ay tatanggapin ni Joseph, madali siyang makakaipon ng pera.

Masinsinang kinausap ni Dondon ang alaga.

“Ang laki ng pera na kikitain mo sa mga iyon. Ibo-book na ba kita?” tanong niya sa bulag na macho dancer.

Hindi makasagot si Joseph.

Naiisip niya ang sinabi ni Glenna.

Makakaipon nga siya ng pera pero sigurado namang laspag ang kanyang katawan dahil sa dami ng gustong makinabang.

Samantalang kung alok niya ang tatanggapin, isang katawan lang ang kakailanganin niyang paligayahin.

“Pag-iisipan ko muna,” sagot ni Joseph.

“Kung talagang gusto mong kumita ng malaking pera para maipaopera na ang iyong mga mata, hindi na kailangang mag-isip ka pa,” sabi ni Dondon.

“Hindi naman ako nagmamadali,” sagot naman ng macho dancer.

Hindi na nagsalita ang alalay.

Tinotoo ni Glenna ang pangako na hihintayin pag-uwi si Joseph.

Sa kotse niya sumakay ang huli kasama ang alalay na si Dondon.

“Nakakahiya naman sa iyo, Mam. Napuyat ka ng kahihintay dahil sa akin,” sabi ni Joseph sa dalaga nang nagbi-biyahe na sila. Itutuloy

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply