BURLESK KING (Pwedeng Tingin, Bawal Salingin)

MASIPAG lang si Joven at may pagkabastos kaya kahit papaano ay nag-eenjoy sa kanya si Hazel.

Matatag din ang resistensiya kaya pinagtitiyagaan ng babae.

Pero sa size, wala siyang sinabi sa asawang bulag.

Hindi puwedeng ikumpara…

No match si Joven kay Joseph.

Dahil kung sa boksing, pang-heavy weight na ang asawa pero nasa kategorya lang
ng lightweight ang una.

Matagal na binaboy ni Joven ang pagkababae ni Hazel na gustong-gusto naman ng babae.

Dahil dito, kung ilang ulit ding nakarating sa langit ang dalawa.

Mahabang sandali na hindi sila nag-usap.

Hinintay na bumalik sa normal ang kanilang pakiramdam.

“Bukas, planuhin natin kung paano makukuha ang anak mo para mahawakan natin sa leeg ang macho dancer mong asawa,” sabi ni Joven. “Gagawin natin siyang gatasan upang hindi masyadong magastado ang iyong katawan.”

Hindi umimik ang babae.

Hindi siya pabor sa plano ng lalaki pero wala siyang magagawa.

Natulog na sila.

Kinabukasan, ang sarap ng tulog ni Joseph.

Pagod siya at napuyat sa pagsasayaw sa nakaraang gabi.

Nasa palengke naman si Aling Minda.

Nasa labas naman si Angel at naglalaro.

Nang biglang may tumawag sa bata.

Gulat si Angel nang makilala kung sino ang tumawag sa kanya.

Ang inang si Hazel.

Ayaw lumapit ng bata.

Kahit musmos pa siya, nauunawaan na niya ang namamagitan sa kanyang mga magulang.

At sa bulag na ama siya nakiki-sympathize dahil sa pag-iwan sa kanila ni Hazel at pagsama sa ibang lalaki.

“Ang tatay mo?” magiliw na tanong ng ina.

“Tulog!” maikling tugon ni Angel.

Sa puntong ito kinuha ni Hazel ang dalang malaking manika sa loob ng kotse.

Biglang nagliwanag ang mga mata ng bata sa nakita.

Sabik siya sa ganitong klase ng laruan.

“Binili ko ito para sa iyo, anak. Huwag ka nang mahiya. Kunin mo ito,” sabi ni Hazel.

Ayaw pa ring lumapit ni Angel.

Ang babae na ang lumapit sa bata at iniabot ang laruan.

Napilitan naman niya itong kunin.

Tuwang-tuwa si Angel habang ipinaghehele ang manikang laruan.

May kinuha pa si Hazel sa loob ng kotse. Isang plastic ng assorted chocolates.

“Hindi ba’t paborito mo ang mga ito? Kumain ka! Magpa-kasawa ka!” sabi ni Hazel at ipinagbalat pa si Angel.

Dahil bata, madaling lu-mambot ang loob niya sa ina.

“Tutal ay tulog ang tatay mo, sumama ka muna sa akin, anak. Ipapasyal kita at ibibili ng magagandang damit. Ibabalik na lang kita rito ma-maya,” sabi ni Hazel sa bata.

Napatingin si Angel sa ina…

Anyong tinitiyak ang katapatan ng kanyang sinabi.

At nang maramdaman niyang nagsasabi ng totoo si Hazel ay tinanggap niya ang imbitasyon ng ina.

Tuwang-tuwa na inakay ng babae si Angela patungo sa naghihintay na kotse.

Sa loob ng kotse, tuwang-tuwa rin si Joven na nakaupo sa harap ng manibela.

Sa isip niya, in the bag na ang bata.

Pero nang pasakay na si Angel sa kotse, isang tricycle ang biglang dumating.

Lulan si Aling Minda mula sa pamamalengke.

“SAAN NINYO DADAL-HIN SI ANGEL?” sigaw ng matandang babae na nakatawag pansin sa mga tambay sa kalapit na tindahan.  Itutuloy

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply