Bus driver, konduktor sugatan sa highway robbery

NASA malubhang kalagayan ngayon ang driver at konduktor ng Eagle Bus line nang pagbabarilin ng dalawang armadong lalaki kaninang umaga, Agosto 8, sa bayan ng Irosin, Sorsogan.

Batay sa ulat, nakasakay ang mga ‘di pa kilalang suspek sa bus na may body number 39 nang ideklara ang panghoholdap.

Inutusan ng mga suspek na ihinto ang bus sa gilid na kalsada pero hindi agad naitabi ang sasakyan na naging daan para pagbabarilin ang driver at kondoktor ng bus.

Nabtid sa ulat na sakay ng bus na papuntang Ormoc City ang 20 pasahero dakong 8:00 kaninang umaga nang maganap ang panibagong highway robbery

Agad na nilimas ng mga suspek ang mga cell phone at tinatayang P15,000 cash at iba pang kagamitan ng mga pasahero.

Kinilala ang nasugatang bus driver na si Manolo Binallas at konduktor na si Geronimo Basubas na kapwa tinamaang ng caliber .45 pistol sa katawan at kasalukuyang nilalapatang lunas sa pagamutan.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon at tinugugis ng mga awtoridad ang mga suspek na tumakas dala ang kagamitan at salapi ng mga biktima. Johnny F. Arasga

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply