Bus tagging policy kinontra ng operators

MARIING kinontra ng mga bus operators ang nakatakdang pagpapatupad ng bus tagging policy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Lunes, Agosto 15.

Ayon  kay Grace Adducul ng Metro Bus Transport Club ,  hindi aniya dapat na madaliin ang nasabing scheme ng bagong tagging sa mga bus at wala anilang basehan ukol ditto dahil ideneklara na ng Korte Suprema na labag ang “no contact “ policy ng MMDA noon pa man.

Kinuwestiyon din ni Adducul kung bakit sa Metro Manila buses lamang ito ipapatupad. Dapat aniya ay sa lahat ng public utility vehicles dahil nagmumukhang sila lamang ang pinepersonal.

Masyado aniyang malupit ang pangalawang multa sa lalabag dito dahil ang first offense ay medyo magaan sa pagbabayad ng P500 multa. Sa second offense ay kanselasyon agad ng prangkisa ang kaparusahan.

“Hindi naman natin dapat i-implement ang isang unconstitutional na policy. Siguro medyo kailangan natin i-review,” ani Adducul.

Sa ilalim ng tagging policy scheme, ang isang sasakyang pampasahero ay kinakailangang nakapintura ang plate numbers sa harapang bubungan at mga tagiliran ng sasakyan. Alex Ching

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply