Bus vs motorsiklo: 2 dedo

PATAY ang dalawa katao makaraang magsalpukan ang bus at motorsiklo sa Misamis Oriental.

Nakilala ang biktimang sina Patrocenio Opema at Panfilo Pajala pawang lulan ng motorsiklo habang kaagad namang sumuko ang driver ng Bachelor Bus na nakabanggaan sa pulisya.

Nabatid na patungo ang dalawa sa Ginoog City habang ang bus naman ay papunta ng Cagayan de Oro City nang magkasalpukan ito sa Binuangan, Misamis Oriental.

Wasak ang honda wave na sinasakyan ng mga biktima dahil sa lakas nang pagkakasalpok.

Inihahanda na ng kapulisan ang kasong isasampa sa drayber ng Bachelor bus.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply