Bus vs multi cab, 16 sugatan, isa patay

PATAY ang isang 68-anyos na lola, habang sugatan ang 16 kasamahan nito nang makasalpukan ng kanilang sinasakyang multi cab ang isang pampasaherong bus kaninang umaga sa Negros Occidental, sa ulat ng pulisya.

Ayon kay PNP Spokesman P/Chief Supt Agrimero Cruz Jr., naganap ang sakuna bandang 7:45 ng umaga sa kahabaan ng national road sakop ng Sitio Lawagon, Barangay West Candoni, nasabing lalawigan.

Sangkot sa road mishap ang isang Ceres Bus (FWR 338) na pag aari ng Vallacar Transit Inc na minamaneho ni Nemensio Dacumos at Multi Cab na minamaneho naman ni Randy Dollosa, isang barangay kagawad.

Sugatan sa nasabing aksidente ang 16 sakay ng multi cab na nagtamo ng bugbog at pasa sa iba’t ibang parte ng mga katawan.

Subalit pagsapit sa pagamutan ay nalagutan ng hininga si Esperanza Lausa.

Kusa namang sumuko sa awtoridad ang driver ng Ceres Bus.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply