Buwayang pulis, walang patawad kung mangotong -2

BALIKAN natin ang pulis na si PO3 Francisco na walang patawad kung mangotong sa mga motorista.

Nagbanta pa raw po sa akin itong si PO3 Francisco. Ang akala siguro niya ay matatakot  niya ako!

Anong gusto niyang palabasin, manginig ako sa takot sa kanya?

Hoy…, PO3 Francisco, hindi ka pa pulis ay matagal na akong nasa media.

Noon pa man ay tinanggal ko na ang takot ko sa  aking katawan!

Kaya kung tatakutin mo rin lang ako, buti pang humanap ka na lang ng tatakutin mo!

Ayaw mo palang napupuna ka pero gawa ka nang gawa naman ng mga katarantaduhan sa kapwa mo!

Ang ginagawa kasing  style ng panghuhuli ng mamang pulis na ito ay paparahin niya ang anomang makita niyang mga motorista na nagdaraan sa Juan Luna Street kahit wala itong violation at kanyang kakargahan  ng mga violation para mapilitang maglagay ang pobreng driver.

Ang mga paboritong pinapara at hinuhuli niya ay ang mga cargo truck, fish at fruit dealer, van, overloading, no helmet sa motorcycle, sidecar at iba pang alam niyang pagkakapitsahan.

Kalimitan ay maghapon na nakikitang nag-aabang ng mga biyahero itong si PO3 Francisco sa kanto ng Juan Luna St., sa tapat ng Puregold at kung minsan naman ay sa kanto ng Juan Luna at Capulong streets sa tapat ng Detachment.

Hindi ko lang malaman kung bakit ang mga ganitong pulis ay kinukunsinti ng superior niyang  si Manila Traffic Police chief Maj. Rey Nava! E, baka naman malaki ang ‘padulas’ ni PO3 Francisco kay Maj. Nava! Itutuloy

KTV  CON  MOTEL FRONT  NG ‘PROSTI’

Lido de Parish KTV at Lido de Parish Motel sa Ongpin, Sta. Cruz, Manila  ‘front’ ng prostitution. Patong ang mga pulis ng MPD kaya ‘pader’ ito sa kanila.Anomangreklamo o pu-na itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email  juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply