Buwayang pulis walang patawad kung mangotong

BILIB ako sa sipag nitong si PO3 Francisco ng Manila Traffic Police Bureau.

Masipag siya hindi dahil sa paglilingkod sa trabaho bilang isang alagad ng batas, masipag siya dahil sa ginagawa niyang pango-ngotong sa mga biyahero.

Aba’y, maaga pa lang ay napagkikita na ang mamang pulis na ito sa kahabaan ng Juan Luna St., Tondo, kasama ang isa pang hindi pa nakikilang kabarong lespu.

Madalas tuwing umaga ay nakikitang nakatayo sa kanto ng Pritil si PO3 Francisco na nag-aabang ng mga truck, van, fish and fruit dealer, motorsiklo, sidecar at iba pa na alam niyang mapagkukuwartahan nila.

Ang istilo ng ‘scalawag’ na pulis na ito pag nakakita siya ng alinman sa mga nabanggit nating mga biyahero ay isa-isa niya itong paparahin at saka hahanapan ng kung ano-anong mga papeles.

Ang masakit nito, pag wala raw maipakitang mga papeles ang mga sinitang sasakyan lalo na pag  nakita nito ang driver ay kakamot-kamot ng ulo ay lalo niya itong tatakutin at kunwari’y titikitan pero ang totoo ay hihingan lang niya ito ng “lagay.”

Halos ganundin ang kanilang istilo sa mga sidecar o tricycle kahit pa magmakaawa ang pobreng pedicab driver sa  mga ito. Ang siste nito, pag walang mai-’tong’ ang mga driver ay tutuluyan nilang tikitan.

Alam kaya ni Manila Traffic Bureau chief Maj. Rey Nava ang ginagawang ito ng kanyang mga pulis?

Magkano kaya, este.. Papano kaya ito?

LOTENG DI MATIGIL MALAKI ANG  I.N.T.

Hindi masugpo ang operations ng loteng ni Kapitan Into sa Nasugbu. Halos buong bayan ng Nasugbu ang operations ng loteng ni Kapitan Into. Malakas kasing magbigay  ng I.N.T. (intelihensiya) sa pulisya si Kapitan Into kaya pader ang loteng niya.

Anomang reklamo o puna  ay itext lang sa 0918927-4764,09266719269 o email juandesabog@yahoo. com.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply