Cagayan niyanig ng 5.4 magnitude na lindol

NIYANIG ng magnitude 5.4 na lindol ang Cagayan ayon sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) kaninang umaga.

Ayon sa Phivolcs niyanig ng intensity 4 na lindol ang Calayan, Cagayan.

Habang niyanig naman ng intensity 3 na lindol ang Sanchez Mira, Cagayan.

Niyanig din ng intensity 2 na lindol ang Pasuquin at Laoag, Ilocos Norte.

Ayon sa Phivolcs dakong 10:56 ng umaga kanina nang yanigin ng lindol ang mga naturang lugar at ang location ng lindol ay South 83* West ng Calayan, Cagayan.

Idinagdag pa ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at an lalim sa lupa ng lindol ay 016.

Wala naman iniulat na napinsala sa naturang lindol habang may inaasaha pang aftershocks ang naturang lindol.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply