Calasiao nagdeklara ng dengue outbreak

NAGDEKLARA ng dengue outbreak sa Calasiao, Pangasinan bunsod sa patuloy na pagtaas ng kaso ng nadadale ng naturang sakit.

Ayon kay Mary Jane Aguilar, municipal health officer sa bayan ng Calasiao, umabot na sa 106 na kaso ang naiulat sa kanilang bayan bagamat wala pa namang naitatalang namatay.

Kabilang sa mga lugar na nasa outbreak stage ang Brgy. Bued, Brgy Gabon, at Brgy. San Miguel.

Dagdag pa nito, kadalasan ang mga biktima ng dengue ay mga bata kung saan pinaniniwalaang sa mga paaralan sila nakagat ng lamok na may dalang dengue virus.

Dahil sa pagtaas ng kaso ng dengue ipinapatupad nila ngayon ang clean-up drive sa lahat ng barangay sa kanilang bayan partikular na tuwing araw ng Biyernes upang linisin ang mga lugar na maaaring pinamumugaran ng mga lamok na aedes aegypti.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply