Camp Crame nasunog

NASUNOG ang isang gusali sa headquarters ng Philippine National Police (PNP) sa Camp Crame, Quezon City habang kasagsagan ng malakas na ulan kaninang umaga (Agosto 2).

Nabatid na nasunog ang gym ng Camp Crame bandang 6:15 ng umaga. Idineklara itong ” under control” bandang 6:50 at tuluyang naapula ang apoy 7:10 ng umaga.

Humigit-kumulang sa 15  firetruck aang nagresponde at wala namang napaulat na nasugatan sa mga bumbero.

Wala ring natupok na mahahalagang dokumento ngunit nasunog umano ang ang opisina ng taekwondo, table tennis at chess.

Hindi pa rin batid ang pinagmulan ng sunog hanggang ngayon.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply