Car agent kinatay sa sariling CR sa Kyusi

PATAY ang isang car agent makaraang pagbabarilin ng hindi nakikilalang salarin sa loob ng kanyang comfort room sa Quezon City, kaninang umaga.

Kinilala ang biktima na si Ferdinand Carlos, 49, car agent freelancer ng 84 Mateo St., Maria Village Novaliches, Quezon City.

Si Carlos ay namatay noon din dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan.

Ayon sa ulat ng Quezon City Police District Criminal Investigation and Detection Unit, naganap ang insidente dakong 10:20 ng umaga sa loob ng comfort room ng biktima sa kanyang bahay sa 84 Mateo St., Maria Village, NOvaliches.

Sinabi sa ulat ni SPO1 Randy Bantillo na kasalukuyang nasa loob ng kanyang comfort room ang biktima nang pasukin ng hindi pa nakikilalang suspek saka pinagbabaril.

Matapos ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Inaalam na kung ano ang motibo sa krimen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply