Carandang binanatan sa plenaryo ni Magsaysay

BINANATAN ngayon sa plenaryo ni House Asst. Minority Leader Mitos Magsaysay si Secretary Ricky Carandang ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil sa pagtuligsa sa kongresista ukol sa pagkakabulgar ng kanyang pangalan na diumano’y naging dahilan ng pagbibitiw ng isang Asst. Secretary sa Malakanyang.

Sa kanyang pagtayo sa plenaryo, naglabas ng sama ng loob si Magsaysay dahil sa diumano’y pagiging “ungentleman” ni Carandang sa mga pag-atake sa kaniya.

Paliwanag ni Magsaysay na walang dahilan para personalin siya ni Carandang gayung sa press conference noong nakaraang linggo ay walang binanggit na pangalan ang minorya sa kabila ng pagpupumilit ng mamamahayag.

Aniya, hindi nanggaling sa kanila ni House Minority Leader Edcel Lagman ang pangalan na lumabas sa pahayagan gayung ang banggit nila ay “blind item” lamang o walang pangalan.

Bagama’t hindi binanggit ng oposisyon ang pangalan ni Carandang ay lumutang na siya ang naging dahilan ng pagbibitiw ng kanyang tauhan na si ASEC Reggie Tungol.

Nagsumite umano ng kanyang resignation letter ang assistant secretary noong Biyernes.

Sa halip na tiryahin siya ni Carandang ay nanawagan si Magsaysay na magpaliwanag na lamang sa publiko kung bakit napilitang magbitiw ang isang USEC nito matapos na tumangging lumagda sa isang purchase order ukol sa computers.

Ang computer set ay nagkakahalaga diumano ng P1.6 milyon.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply