Carnapper sa Japan sisipain palabas ng Pinas

NAKATAKDANG patalsikin ng Pilipinas ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Japanese national na may kasong carnapping sa bansang Hapon.

Kinilala ni Immigration Commissioner Ricardo David, Jr. ang dayuhan na si Hideto Ozawa, 34, kasalukuyang nakakulong sa BI detention center sa Bicutan, Taguig City.

Si Ozawa ay naaresto noong Agosto 3 sa loob mismo ng Japanese Embassy matapos na magtungo ito sa nasabing embahada upang magpaabot ng pagsang-ayon na makabalik na ito sa Japan.

Ayon sa ulat, limang taon na nagtago sa Pilipinas si Ozawa matapos na takasan nito ang krimeng nagawa sa Wakaya prefecture.

Sa isinagawang imbestigasyon, mahigit sa 10 mamahaling sasakyan ang kinarnap ng grupo ni Ozawa sa iba’t-ibang parking lot sa Wakayama prefecture noong Oktubre hanggang Nobyembre 2005.

Natuklasan ang krimen matapos na lusubin ng mga awtoridad ang isang bodega sa bayan ng Aridagawa at dito natagpuan ang mga nawawalang sasakyan.

Nagpalabas din ng warrant of arrest ang Yuasa summary court sa Wakayama prefecture laban kay Ozawa kaya napilitan ang akusado tumakas at magtungo sa Pilipinas noong Marso 2006.

Lumabas din sa datos ng kawanihan na isa ring undesirable alien si Ozawa makaraang mapaso ang pasaporte nito noong nakaraang taon. Freddie Cortez

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply