Carnapper tiklo sa Caloocan City

KALABOSO ang isang carnapper matapos mahulihan ng baril ng mga nagpapatrulyang pulis habang ang una ay nag-aabang ng mabibiktima sa Caloocan City Martes ng gabi.

Nakilala ang suspek na si Cerilo Ramos, 27 at residente ng Longos, Malabon City.

Batay sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi, rumoronda ang mga pulis sa C-3 rd., ng lungsod nang mamataan ang suspek kasama ang isang hindi pa nakikilalang lalaki na may dalang motorsiklo na parang may inaabangan.

Nilapitan ng mga pulis si Ramos upang tanungin subalit nagpupumiglas habang nagawang makatakas ng kasama nito dala ang motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Nang kapkapan ay nakuhanan ng paltik na kalibre .38 ang biktima dahilan upang dalhin ito sa presinto.

Isang Arnel Horca, 34 ang lumutang at positibong itinuro si Ramos na siyang tumangay sa nakaparadang motorsiklo sa Salmon St., Dagat-Dagatan ng lungsod.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply