Cash-for-work programs ng DSWD, ikinasa sa mga biktima ng bagyo

UMAABOT sa P28.96-milyon ang halaga ng pondo na inilabas ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa cash-for-work programs sa mga lugar na tinamaan ng tatlong “killer tropical cyclones” noong 2009.

Sa opisyal na pahayag ng naturang ahensiya sa kanilang website, target ng DSWD na mapakinabangan ng may 5,105 pamilya ang nasabing pondo.

Kabilang sa mga lugar na paglalagakan ng proyekto ang Metro Manila, Ilocos, Cagayan Valley, Central at Southern Luzon, gayundin ang Bicol.

Kasama naman sa mga benepisaryo ng nasabing programa ang mga nabiktima ng bagyong Ondoy (international code name Ketsana), Pepeng (Parma) at Santi (Mirinae).

“The family-beneficiaries received 75% of the regional wage rate in their respective areas. The regional wage rate ranges from P176 to P303 per day,” ayon pa sa news release.

Ayon kay DSWD Secretary Corazon Soliman, ang naturang mga pamilya ay makakatanggap ng cash assistance kapalit ng pagsasanay at pagseserbisyo sa komunidad na tatagal ng 30 araw.

Ang community services na ibibigay ng mga benepisaryo ay kinabibilangan ng river dredging at embankment; paghuhukay at dredging sa mga kanal at iba pang daluyan ng tubig; pagsasaayos ng maliliit na irigasyon;

pagtatanim ng puno at reforestation projects; palilinis ng mga paaralan sa pamamagitan ng “Brigada Eskwela 2011″; communal gardening; pagsasaayos ng nasirang mga day care center (DCC) at iba pang pasilidad pangkomunidad.

Layon ng DSWD na makatulong sa 44,930 pamilya na apektado ng tatlong bagyo noong 2009 sa tulong na rin ng P318.9 milyong pondo.

Anila, kinukumpleto pa ng natitirang 39,825 benepisaryo ang kanilang 30-araw na pagsasanay at community service.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply