Cayetano lumambot na kay Sixto Brillantes

MISTULANG nagbago ang ihip ng hangin kay Senate minority leader Alan Peter Cayetano na kung saan ay matigas ang paninindigan nito na haharangin ang nominasyon ni comelec chairman Sixto Brillantes sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).

Ito ay makaraang ihayag ni Cayetano na handa na niyang palusutin sa CA si Brillantes sa oras na mapatunayang seryoso ang ginagawang imbestigasyon kaugnay noong dayaan ng 2004 at 2007 national elections.

Aniya, kung maipakikita nito ang pagiging seryoso sa pagsisiyasat sa nangyaring dayaan, kasama ang Department of Justice (DoJ) at patutunayan na wala siyang sasantuhin kahit pa nga malapit niyang kamag-anakan.

Gayunpaman, ani Cayetano, nais pa rin niyang hingan ng kapaliwanagan si Brillantes  kaugnay sa mga naging aktibidad nito noong masigasig pa siya bilang election lawyer ng maraming pulitiko.

Kabilang sa inaasahang kukuwestiyunin ni Cayetano ang  hinalang pagkiling nito sa inihaing protesta ni dating Supreme Court Justice Dante Tinga laban sa kanyang maybahay na si Taguig City Mayor Lani Cayetano na nakahain na sa komisyon.

Bagaman, itinanggi ito ni Brillantes, may hinala ang kampo ni Cayetano na may hindi nakikitang kamay na kumukumpas upang puspusang maisulong ng kampo ni Tinga ang paglilipat ng mga kinukuwestiyong balota sa bodega ng Comelec.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply