CCP board ipinasisibak sa ‘bastos’ na exhibit

HINILING ng dalawang senador sa Palasyo na kaagad sibakin ang halos lahat ng miyembro ng Board of Director ng Cultural Center of the Philippines (CCP) na nag-apruba sa malaswa at nakaiinsultong exhibit na dumungis sa pananampalataya kay Jesus Christ.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi nina Senate President Jinggoy Estrada at Senate Majority Leader Vicente Sotto III na kapag hindi pinakinggan ng Palasyo ang kanilang kahilingan, tatapyasan ng Senado ang badyet ng CCP.

Ayon kay Estrada na dapat nang magbitiw kundi man sibakin ang miyembro ng Board dahil iresponsableng inaprubahan ang exhibit ni Mideo Cruz na lubhang nagpapaba at nag-alipusta sa pananampalataya ng Kristiyanismo.

“Hiniling ko na dahil sa kapabayaan ng mga Board of Directors ng Cultural Center of the Philippines, na busisiin at suriing mabuti ang sinumang nagnanais na magpa-exhivbit sa kanila, silang lahat ay dapat magbitiw sa tungkulin simula sa araw na ito,” ayon kay Estrada.

Naniniwala si Estrada na walang naidulot nang anuman ang exhibit ni Cruz sa kaisipan at kaluluwa ng sinuman na makita ang imahe ng Kristiyanismo, si Jesus Cristo, ang kanyang Ina, ang Birhen Marhia, at ang Banal na Krus na sumisimbolo sa pinakamatinding sakripisyo na inihandog ni Kristo upang tubusin ang Sangkatauhan.

“It  treated so insultingly and with such shocking disrespect by a group of people who believe they have the absolute artistic license to do so.These ugly, insulting, blasphemous images achieve nothing, enrich no one, and debase instead of uplift,” ayon kay Estrada.

Para naman kay Sotto, nagkasundo sila ni Sen. Franklin Drilon, chairman ng Senate committee on finance na kundi sisibakin ng Palasyo ang responsableng board sa exhibit, tatapyasan ang badyet ng CCP.

Pananatlihin lamang sa badyet ng tanggapan ang personnel services at iba pang operating expenses upang hindi matigil ang operasyon ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas sa paghahatid ng serbisyo sa mamamayan.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply