CCP official nagbitiw na sa ‘art’ issue

NAGBITIW na ang isa sa mga opisyal ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa gitna ng panawagan ng ilang sektor para sa kanilang resignation kasunod ng kontrobersiyal na art exhibit.

Kinumpirma mismo ni Karen Flores, ang pinuno ng visual arts division ng CCP ang kanyang desisyon na mag-resign kaninang hapon.

Nitong mga nakaraang araw, naging mainit ang debate kaugnay sa artwork ng artist na si Mideo Cruz, kung saan tampok ang ilang religious symbols gaya ng mga krus at larawan ni Jesus Christ na may nakadikit pang ari ng lalaki sa mukha ng Poon.

Bago pa ang anunsyo ng resignation ni Flores, inihayag ni CCP President Raul Sunico na wala umanong balak ang pamunuan ng cultural center na mag-public apology kaugnay sa kontrobersiyal na art exhibit.

Iginiit pa ni Sunico na wala umano silang nakikitang pagkukulang sa kanilang panig taliwas sa akusasyon ng ilang mambabatas at panawagan na kailangang mag-resign sa puwesto ang mga opisyal ng CCP Board.

“I am confident CCP is not remiss in its duties as some legislators probably claim. Whatever aggravation this has caused we continue to review our policies… we are conscious of our mandate. To the best of our abilities even our board members will try to settle this professionally,” ani Sunico sa isang panayam.

Sa kabila nito, aminado naman ang opisyal na malaking leksyon ang kanilang natutunan dahil sa pangyayari.

Aniya, patuloy umano ang ginagawa nilang pag-aaral ngayon para matiyak na hindi maulit ang nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply