CCP officials hugas-kamay sa kontrobersyal na art exhibit

HUGAS-KAMAY ang mga opisyal ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa kontrobersyal na “Kulo” art exhibit na kinatatampukan ng mga likha ng artist na si Mideo Cruz.

Sa isinagawang pagdinig ngayon, Martes, ng Senate committee on education, arts and culture na pinamumunuan ni senador Edgardo Angara at committee on public information and mass media na pinamumunuan naman ni senador Gregorio Honasan, pinagpaliwang nila ang CCP executives upang mabatid kung dumaan sa tamang proseso ang nabanggit na exhibit.

Ayon kay CCP chair Emily Abrera at CCP president Raul Sunico, hindi dumaan sa kanilang tanggapan ang direktang pagbibigay pahintulot sa mga artwork ni Cruz habang nagbitiw na si visual art division head Karen Ocampo-Flores.

Nakahanap naman ng kakampi ang mga CCP executive sa posisyon ni Senador Francis Escudero, matapos nitong papurihan ang attitude ng mga ito sa pagtingin sa isang obra na hindi umano inuuna ang personal na pananaw kung hindi kung ano ang ipinahahatid ng anumang likhang sining.

Sa kabila nito, aminado naman ang mga CCP official na na-shock din sila nang unang makita ang mga obra ng controversial artist.

Samantala, dismayado ang mga kinatawan ng simbahang Katoliko, partikular na si CBCP president elect at Cebu Archbishop Jose Palma sa hindi pagsipot ni Cruz sa Senate inquiry, dahil ito umaano ang kailangang magpaliwanag kung ano ang kaniyang punto sa paggamit ng mga imahe para sa kaniyang likha, sa kabila ng mga negatibong pagtingin dito ng marami.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply