CCP officials pinagbibitiw

PINAGBIBITIW ng isang solon ang mga opisyal ng Cultural Center of the Philippines (CCP) matapos makalusot ang kontrobersiyal na art exhibit na “kulo.”

Nanawagan si Manila Rep. Amado Bagatsing na  magbitiw na si CCP Chairman Raul Sunico at iba pang opisyal dahil sa pinayagan umano ng mga ito na “babuyin” ang imahe ng Jesus Christ at relihiyon ng Katoliko.

Inudyukan din ni Bagatsing ang Kamara na magkaroon ng imbestigasyon ukol sa kontrobersiyal na inalmahan ng iba’t ibang sektor kabilang na ang Simbahan.

Ikinairita ni Bagatsing ang isang imahe ni Jesus Christ na dinikitan ng bilog na pula ang ilong, sumbrero ng mickey mouse, tenga ng kuneho at ari ng lalaki.

Sinabi ni Bagatsing na paglapastangan at hindi makatao ang ginawa ng artists sa naturang imahen.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply