CCT anomaly bubusisiin

HINUHUKAY na rin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) office ang ulat ng Commission on Audit (CoA) hinggil sa katiwalian ng implementasyon sa Conditional Cash Transfer (CCT) program sa nakaraaang Arroyo administration.

Ayon kay DSWD Sec. Dinky Soliman, hawak na nila ang CoA report at inaalam na lamang nila kung sino ang dapat managot sa natuklasang katiwalian.

Gayunman, sinabi ng kalihim na may mga inalis na sila sa listahan na umabot sa 155,900 na pamilya na natuklasang hindi kwalipikado sa programa.

Binigyang diin naman ni Soliman na naging mahigpit na ngayon ang pagpapatupad CCT program upang matiyak na ang talagang mahihirap na pamilya ang makikinabang sa programang pinondohan ng P21.2 billion para sa 2011.

Nasa 2.2 milyon na pamilya na umano ang nakinabang sa programa mula sa 2.3 milyong pamilya na target para sa taong 2011.

Batay sa programa, makakatanggap ng hanggang sa P1,400 bawat buwan ang mga mahihirap na pamilyang kwalipikado sa CCT sa kondisyon na pag-aralin ang kanilang mga anak at regular na magpasuri sa doktor ang mga buntis.

Sa ngayon ay humihingi ang Aquino administration ng P39 billion upang ipagpapatuloy ang programa para sa susunod na taong 2012 kung saan target ang nasa tatlong milyong pamilya na mabibiyayaan ng programa.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply