CCT gagamitin ng PNoy admin sa eleksyon– oposisyon

IBINABALA ngayon (Huwebes, Agosto 25) ng oposisyon sa Kamara na gagamitin lang umano ng administrasyon ni Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III sa 2013 elections ang pondo para sa conditional cash transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Pinaghihinay-hinay ng Minorya ang gobyerno sa kahilingan ng DSWD na dagdagan ang pondo para sa CCT dahil magsisilbi umano itong slush fund para sa mga kandidato ng pamahalaan.

Ayon kay Deputy Minority Leader Danilo Suarez, saludo sila sa intensyon ng CCT pero nakalulula ang plano ng administrasyong Aquino na gastusan ng mahigit P300 bilyon ang proyekto hanggang matapos ang termino ng Pangulo sa 2016.

Ngunit patuloy na kinukwestiyon ng oposisyon ang kawalan ng malinaw na sistema ng naturang programa partikular na sa kwalipikasyon ng mga benipisyaryo.

Pinayuhan din ni Suarez ang Malakanyang na kailangang matuto sa Mexico na hirap pa ring tapusin ang kahalintulad na programa sa takot na mauwi sa rebolusyon.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply