CebuPac magdadagdag ng eroplano

MAGDADAGDAG ng 30 units na Airbus A321neo ang Cebu Pacific upang matugunan ang pangangailangan ng mga pasaherong tumatangkilik sa kanilang serbisyo.

Nag-order na ang naturang kompanya sa Toulouse ng France, ang taga-gawa ng A321neo, matapos magkapirmahan ng Memorandum of Understanding. Umabot na ng 71 Airbus ang na-order ng CebuPac sa Toulouse at 16 dito ang nai-deliver na at kasalukuyang lumilipad na sa iba’t ibang ruta.

Ayon kay Lance Gokongwei, Presidente ng Cebu Pacific, ipakakalat nila ang mga naturang eroplano sa mga ruta kung saan maraming pasahero para mas lalo pang lumawak ang kanilang “Low Fare deals” na ibinibigay sa mga tao.

Kinumpirma naman ni John Leahy ang Chief Operating Officer ng Toulouse ang ginagawang pag-order ng pinakamalaking budget Airline ng Pilipinas. Ayon sa kanya, pinatunayan ng Cebu Pacific ang pagiging matatag at matagumpay sa kabila ng pagbibigay ng mababang pasahe sa taong bayan.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply