Cesar Montano masama ang loob sa GMA

HOW true na masama ang loob ni Cesar Montano sa GMA-7?Paano kasi ay biglang inilipat sa ibang araw ang sitcom niya rito nang hindi man lang daw siya sinabihan. Nagulat na nga lang daw ang aktor nang makarating sa kanya ito. Sana man lang daw ay in-inform siya tungko dito. Ang malaking ipinagtataka pa raw ng aktor ay kung bakit kailangang ilipat pa ng Sunday ang kanyang sitcom gayung mataas naman daw ang rating na nakukuha nito sa dati nitong araw, which is Saturday.

-0o0-

MUKHANG uso ang batian sa birthday party ni Aga Muhlach. Ang daming eksena pagbabasahin mo sa Twitter.

Peace peace peace w @AngeliPV. At Agas bday bash ,” tweet ni Dolly Ane Carvajal na kung saan ay may isyu sa anak niyang si IC Mendoza at sa alaga ni Angeli na si Candy Pangilinan.

Nag-tweet naman si Ruffa Gutierrez. “Wow bati na si Willie Revillame and Sharon Cuneta. Willie made the first move of course. Good times! ? #agasbirthday”

Isa pang tweet ni Ruffa: “REUNION! Mother Lily, @RegalRoselle with @143redangel at #agasbirthday think this is gonna be an all-nighter!” Alam naman natin na nagtampo si Mother Lily kay Angel nu’ng lumipat ito sa Star Cinema.

Parang simula na ito na at sign na balang araw makakagawa ulit si Angel sa Regal at maaaring bumalik ang kinasasabikang balik-tambalan nila ni Richard Gutierrez!

-0o0-

KAPAG napapadaan kami sa kahabaan ng Edsa ay napapansin namin ang malaking billboard ni Nadine Samonte para sa isang produkto kung saan ay sexy ang dating niya rito. Pero hanggang sa billboard lang pala kayang magpa-sexy ni Nadine. May offer pala sa kanya noon ang FHM (For Him Magazine) para mag-sexy pictorial sa kanila pero tinanggihan niya ito. Hindi raw niya kayang ipakita ang kanyang flesh sa magazine at maging sa pelikula.

Ready na rin si Nadine sa matured role dahil pinag-usapan ang mahabang love scene nila ni Leandro Muñoz sa seryeng ‘The Sisters.”

Samantala, makakasama si Nadine sa mini-series na gagawin ni Nora Aunor para sa TV5. At challenging din ang role niya rito na gaya ng role niya sa The Sisters.

Mas bongga ang career ngayon ni Nadine. Mas naaalagaan siya sa Kapatid Network.

Kung tawagin nga siya ay Ms. Nadine Samonte.

Talbog!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply