Chiefs lusot sa Blazers

IBINUSLO ni Adrian Celada ang dalawang krusyal na free throws upang igiya ang Arellano U Chiefs sa 64-60 panalo laban sa College of Saint Benilde Blazers sa nagaganap na 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan City nitong Biyernes ng hapon, Agosto 12.

Pinagpag ng Chiefs ang five-game losing streak ng selyuhan ni Celada ang final score sa huling 8.6 segundo ng laro para iangat ang kanilang record sa 2-6.

Gumapas ng 15 puntos, four assists at tig three steals at rebounds si Celeda habang tumulong din ang kakamping sina guard Rocky Acidre at Jerald Lapuz ng 12 at 11 puntos ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Chiefs coach Leo Austria, ang sentro ng kanilang plano ay limitahin ang opensa ni Blazers guard Carlo Lastimosa.

May apat na puntos lamang si Lastimosa sa 22 minutong paglalaro nito kaya bumagsak sa 3-5 panalo-karta ang Saint Benilde kapareho ng standing ng Emilio Aguinaldo College Generals.

Natalo ang Generals sa Letran Knights, 67-76, sa unang laro ng seniors division.

Nasa solo third spot ang Knights na may 6-2 record matapos magsanib ng puwersa sina Jam Cortes at sentrong Raymond Almazan.

Bumira si Cortes ng 18 puntos at season-high 20 rebounds habang si 6-foot-6 Almazan ay nagrehistro ng 15 puntos, 14 rebounds at career-high six blocks.

Okupado naman ng defending champions San Beda College Red Lions at last year’s runner up San Sebastian College Stags ang top spot na may parehong 8-0 win-loss card. Elech Dawa

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply