Chinese national ninakawan na, pinatay pa

NINAKAWAN na, pinatay pa ang isang Chinese national na lola ng hindi pa nakikilalang suspek sa loob ng kanyang bahay sa Valenzuela City iniulat ng pulisya.

Dead on the spot sanhi ng mga saksak sa katawan si Wu Xuan Xuan, 78 ng P. Gomez St., Fortune 7,  Parada ng lungsod.

Sa ulat, ala-1:35 ng hapon kahapon habang nasa loob ng kanilang bahay ang biktima nang pasukin at pagnakawan ng suspek bago pinagsaksak at tumakas.

Narinig naman ng anak ng biktima na si Lim Beng Hang na nasa ikalawang palapag ng bahay ang kalabugan  na naging dahilan upang bumaba.

Nakita pa Lim Beng Hang ang suspek na papatakas at nang makita ang ina ay wala na itong buhay na naging dahilan upang tumawag sa mga pulis.

Natangay ng suspek ang dalawang loptop, pera at mahahalagang gamit ng biktima kung saan nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga pulis hinggil sa insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply