Chopper probe tuloy kahit wala si Arroyo

WALANG makapipigil sa Senate Blue Ribbon Committee para ituloy ang imbestigasyon sa P 105 milyong chopper scandal sa Philippine National Police (PNP) kahit na hindi makadalo si dating First Gentleman Jose Miguel Arroyo dahil sa problema nito sa kalagayan ng puso.

Ayon kay Sen. Teofisto Guingona III, chairman ng nasabing komite, sa oras na maberipika nila na makakasama sa health condition ni G. Arroyo

ang pagsalang sa imbestigasyon ng komite ay hindi na nila ito oobligahin na humarap sa kanilang komite.

Gayunman, kahit na wala ang asawa ni dating Pangulo at Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo ay tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado sa chopper scandal ng PNP.

Ipinabeberipika pa ni Guingona sa mismong executive director ng Philippine Heart Center na si Dr. Manuel Chua Chiaco kung kakayanin ng puso ni G. Arroyo ang pressure sa pagharap sa mga senador kapag tinanong tungkol sa dalawang helicopter nito na binenta sa PNP bilang mga brand new noong 2009.

“Kasalukuyan kaming nagko-coordinate sa kanyang mga doktor ukol dito. Kung makita ng ating doktor na galing sa Philippine Health Center na di kakayanin ng puso ni G. Arroyo na humarap sa pagdinig ng Senado, igagalang naman po namin iyon,”paliwanag ni Guingona.

Nitong nakaraang linggo ay hiniling ng dalawang archbishop na magkaroon ng ceasefire sa imbestigasyon laban sa dating First Couple dahil sa medical condition ng dalawa.

Ngunit ayon kay Guingona, hindi naman tutol si G. Arroyo sa isinasagawang imbestigasyon ng Senado bagkus ay nangako pa itong makipagtulungan sa kanila, base sa ipinadalang liham ng kanyang abugado nitong Huwebes.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply