Christine Reyes apat na araw nang nasa ospital

APAT na araw nang naka-confine sa ospital ang aktres na si Christine Reyes dahil sa mataas na lagnat.

Ayon sa report, bumbaba ang blood platelet ni Christine ngunit nilinaw ng VIVA publicist na si June Rufino ayon sa mga doktor na sumusuri dito na  hindi na-dengue ang aktres.

Sa kasalukuyan ay patuloy na minomonitor ang kalagayan ng aktres.

Dahil sa pagkakasakit, huminto muna sa taping ng Repustasyon, panghapong teleserye ng Kapamilya Network si Christine at maging sa shooting ng pelikula nito kasama sina Derek Ramsay at Anne Curtis.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply