Cita Astals kinuhang katulong ni Isko Moreno

KINUHA ni Manila Vice Mayor Isko Moreno bilang isa sa kanyang mga consultant ang kontrobersiyal actress turned politician na si Cita Astals bilang tulong niya rito kahit na nga may mga sinabing hindi maganda sa kanya ang hitad nang maglaban sila sa posisyong vice mayor nung nakaraang eleksyon.

“Kaysa naman makipag-away pa ako kay Cita, mas mabuting patulungin ko na lang siya sa City Hall dahil may alam naman siya sa pulitika. And she`s doing well,” katuwiran ni Vice Isko.

Ask kung mayor na ang tatakbuhin niya sa 2013 election, walang ibinigay na detalye si Vice Isko.

Hindi kaya nagdadalawang isip siyang tumakbo bilang Mayor sa susunod na election dahil balitang tatakbo rin bilang mayor si former President Joseph Estrada?

Imbes na magbigay linaw kung tatakbo nga ba siya sa mas mataas na posisyon ay nasabi na lang nito: “Basta ako, I will continue serving the people of Manila at marami pa akong projects na gagawin para sa ikauunlad ng lahat.”

***

Kaya pala hindi matapus-tapos ang Private Benjamin movie ni Vice Ganda ay dahil hindi magkatugma-tugma ang schedule nila ng mga kasama sa movie.

“Kasi nga may Showtime ako everyday. Dumarating ako sa shooting, ang call time ko kasi is alas-dos ng hapon, kasi after Showtime, siyempre kumakain pa ako. Tapos memeykapan, kaya nakapagsisimula ako, minsan dalawa o tatlo lang nakukunan sa aking day effect.

“Tapos si Derek (Ramsay kasama rin sa movie) ay mas malala ang schedule sa akin. Kasi, may movie pa siya with Anne (Curtiz) and Cristine (Reyes). Tapos, busy pa siya sa mga sports activities niya. So, ang hirap din mag-meet ng mga schedules namin.

“Si Direk Wenn (Deramas na director ng movie) dati, mayroon siyang Mula sa Puso, pero ngayon wala na. Busy kaming lahat.

Pati rin yung ibang artists,” paliwanag ni Vice.

Ang tanong, matapos kaya sa tamang buwan at araw? Target date of showing ng movie ay sa October.

***

GRABE pala ang tagahanga ng “Tween Hearts” teenstar na sina Barbie Forteza, Joshua Dionisio, Bea Binene, Jake Vargas, Lexi Fernandez, Alden Richards, Derrick Monasterio, Joyce Ching, Kristoffer Martin at Elmo Magalona. Sa mall tour ng grupo, talagang dinumog sila ng kani-kanilang fans.

Kung pagbabasehan ang hiyawan, sigawan at dami ng nag-abang sa mga bagets na ito sa kanilang mall tour para i-promote ang Tween Academy Class 2012, sigurado na itong blocKbuster sa sinehan.

Magkakaroon ng premiere night ang nasabing first movie ng Tween Hearts teenstar sa August 20 sa SM Megamall Cinema 9 & 10, joint venture ng GMA Films at SM Develpoment Corporation.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply