Lovi Poe tatalon ng ABS-CBN para kay Jake Cuenca

MALAKING hakbang ang gagawin ni Lovi Poe na pagsama sa Star Magic Ball kay Jake Cuenca sa September 3.

Paano siya napapayag?

“You know, Jake and I are good friends. Lalo na magkakasama kami dito, actually dun nag-start lahat sa movie,” bungad na sinabi ni Lovi.

Magkasama sila ni Jake sa My Neighbor’s Wife ng Regal Films. “Wala nag-click kami agad ng ganun-ganun lang, so I think it’s okay lang na sumama ako sa kanya.

“Bahala na kung anong mangyayari dun. Sabi naman niya, siya na ang bahala sa akin kasi siyempre sabi ko parang ‘Hindi ba ako parang maa-out of place dun kasi hindi naman ako taga- diyan?’”

First nga yung gagawin niya, na isang Kapuso si Lovi at a-attend siya ng event
ng mga Kapamilya stars.

“Yeah, so let’s see kung ano’ng mangyayari.”

Nagpaalam ba siya sa GMA?

“I told my manager  that I’m going.”

Paano nga siya napapayag ni Jake?

“Kasi kumbaga parang we got along so well, so why not?”

For sure kakabahan siya kasi lahat ng nandun ay mga Kapamilya, siya lang ang Kapuso.

“Of course kinakabahan ako kasi sanay na ako sa mga kasama ko na tulad nina Carla, ni Dennis, ayun so siyempre of course for sure mahihiya rin ako, ganun.

“Pero bahala na si Jake mag-entertain sa akin dun, entertain-in niya ako dun.

“Kinakabahan nga ako e, hindi ko alam kung anong mangyayari.”

Sure na raw na sasama siya kay Jake.

“Let’s wait and see pero iyon ang napag-usapan namin.”

Sa My Neighbor’s Wif, matindi umano ang mga sexy scenes ni Lovi both with Dennis and with Jake.

May mga nag-comment tuloy na kung buhay ang ama niyang si Fernando Poe, Jr., malamang na hindi payagan si Lovi na gawin ang mga eksenang iyon.

“But then I’ve been doing it tastefully naman, hindi naman overboard na hindi na maganda.”

Kung buhay ang daddy niya sa tingin niya papayagan siya na gawin yun?

“Ah yun ang hindi ko alam but then ako kasi yung tipong what I want, I have to do it and then if I’m wrong I have to learn from it, parang ganun.”

Kahit maging hindrance sa career niya?

“You what kasi, I m the type of person na I want to have something for myself lang talaga. Na I don’t wanna depend on whatever things like, with my dad, ganyan, kumbaga that’s why I’m working so hard for myself talaga.”

May mga negative comments ang iba na kung buhay nga ang daddy niya, tiyak raw na hindi niya magagawang magpaseksi sa harap ng kamera.

“No naman, ako before I do something I make sure that I haven’t gone super-overboard.”

Ipapalabas na ang pelikula sa September 14.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply