Claudine Barretto naapektuhan ng mga nakasusulasok na intriga

ANG galing naman ni Ricky Lo, na-scoop n’ya ang pagtatapat ni Claudine Barretto na matagal na siyang nagpapa-psychiatrist. Inilabas ni Ricky yon kamakailan sa pamosong column n’ya sa isang broadsheet. Hindi lang nga malinaw sa amin kung nagkusa ang misis ni Raymart Santiago na ipagtapat yon o inengganyo siya ng sikat na kolumnista at nagpakumbinse naman siya.

Nagsimula umano siyang magpa-psychatrist mula nung misteryosong yumao ang ex-boyfriend n’yang aktor na si Rico Yan, at matinding sinisi siya ng mga fans ng aktor tungkol duon.

Mukhang nalutas naman ang pagkagulo ng isip n’ya kaya’t pansamantala siyang tumigil sa pagkonsulta sa doktor n’ya. Pero kamakailan ay kinailangan na naman siyang bumalik sa kanyang psychiatrist dahil nagulo na naman ang kanyang isip nang umano’y ipamalita ni Angelica Panganiban na nakikiapid siya sa best friend ni Derek Ramsay na may asawa na rin. Ang misis ni Martin Castro (best friend ni Derek) ang nag-react at ang reaction na yon ng misis ni Martin ang labis na nakagulo kay Claudine kaya kumonsulta na naman siya sa psychiatrist. Inamin din naman ni Claudine na naapektuhan si Raymart at ang relasyon nila sa bintang na yon.

Nakadagdag pa rin sa pagkagulo ng kapayapaan ng isip ni Claudine ang pangyayaring kahit nagkabati na sina Raymart at Martin, pati na ang aktres at ang misis ni Martin, di na nagbalik ang dati nilang pagkakaibigan.

Ilang buwan lang pagkaka-link ni Claudine kay Martin (na anak pala ng isang meyor sa Bulacan), kay Sen. Jinggoy Estrada naman siya na-link, and, eventually, ay kay Atong Ang.

Pinabulaanan n’ya ang lahat ng akusasyon na nagtataksil siya, bagama’t mukhang nakagulo nga iyon sa pag-iisip n’ya.

Gaano kaya kagulo ang naging pag-iisip ni Claudine at sa psychiatrist na siya komunsulta, hindi sa isang psychologist “lang”? Magkaiba ang psychiatrist sa psychologist. Doctor of Medicine ang psychiatrist at pwede itong mag-prescribe ng gamot bilang intervention sa physiological effects ng pagkagulo ng isip ng pasyente n’ya. Usually, naaapektuhan na ang kalusugan ng mga naguguluhan ang isip kaya sa psychiatrist na sila nakikipagkita, hindi sa isang psychlogist “lang.”

Sa mga psychiatrist-psychologist ipinapagamot ang mga drug addict at drug user.

May mga psychiatrist na psychologist din pero hindi lahat ng psychologist ay nagiging psychiatrist. At kung may makikilala kayong psychologist na tinatawag ang sarili na “Dr,” huwag n’yong i-assume na psychiatrist yon na tapos ng Medicine at lisensyadong psychiatrist. Posibleng doctor of Philosophy in Psychology ang natapos nito, at hindi sila lisensyado kahit na mahabang pag-aaral ang kailangan para magka -roon ng Ph. D. in Psychology.

Natatandaan naming sa isang kolum namin ay sinabi namin na dapat nang komunsulta sa isang mahusay at experienced psychiatrist si Jennylyn Mercado dahil parang napakababa ng self-esteem n’ya o ang pagtingin n’ya sa sarili. Kasi nga ay kabi-break pa lang n’ya kay Dennis Trillo, napabalitang nakikipagmabutihan na siya agad kay Luis Manzano. Parang di buo ang pagkatao n’ya kung walang lalaki sa buhay n’ya kaya’t ilang linggo pa lang pagkahiwalay n’ya kay Dennis ay nakipagmabutihan na siya kay Luis na wala rin namang tumatagal na relasyon. Baka nga pati si Luis ay makakapili ng maka- karelasyon nang matagal kung kokunsulta siya sa isang ekspertong psychologist. Nahahalukay ng mga mahuhusay na psychologist ang mga dahilan kung bakit mababa ang tingin ni Jennylyn sa sarili at kung bakit nagbibilang pa rin ng girlfriend si Luis gayong mid-30s na ang edad n’ya.

Si Andi Eigenmann ay mas makabubuting magpa-psychologist habang nagdadalantao siya at pagkatapos n’yang magsilang, lalo na kung magkakaroon siya ng post-partum depression. Of course, ang lalaking nakabuntis sa kanya, higit na kailangang magpa-psychologist para di n’ya gawing lifestyle ang pambubuntis sa mga babaing mahina pa ang self-control.Danny Vibas/Showbytes

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply