Coconet technology sagot sa baha– DPWH

GAGAMIT ng “coconet technology” ang Department of Public Works and Highways para sa pagsasaayos ng daluyan ng tubig at mga estero imbes na kongretong istraktura.

Ayon kay Public Works Secretary Rogelio Singson, ang coconet o coir fiber bio-engineering ay sagot para maibsan ang pagbaha at mga pagguho ng lupa dahil sisipsipin ng nasabing coconet ang tubig.

Ang paglalagay ng DPWH ng coconet ay sinimulan na sa kahabaan ng Estero de Paco.

“The DPWH South Manila District Engineering Office has cooperated with other government agencies and civic organizations in rehabilitating Estero de Paco using cocofiber or coconets made from coconut husks as fender to soil erosion control, slope protection/stabilization, embankment and shore protection,” ayon pa kay Singson.

Sinabi pa ng kalihim na malaki ang matitipid ng ahensya sa paggamit ng coconet para sa pagkontrol ng baha at pagguho ng lupa kaysa sa paggamit ng kongretong istraktura.

“The technology, cheaper to utilize than the concrete, is being used to strengthen and repair sloppy areas prone to landslides,” sabi ni Singson.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply