Koronel sa YouTube video pinakakasuhan

APRUBADO na ni Philippine Navy Chief Vice Admiral Alexander Pama ang pagsasampa ng kaso laban kay dating Marine Col. Generoso Mariano.

Ang kaso ay paglabag sa Articles of War 61 at 63 o hindi paggalang sa nakaupong Presidente at mga pananalitang nanghihikayat para mag-alsa laban sa gobyerno ang siyang lamang ng isinampang kaso.

“The investigation has been concluded by the Special Investigating Committee and was subject to review by the Naval Judge Advocate, the legal counsel of the Flag-Officer-in-Command, prior to the approval of the FOIC. Thereafter, as of August 12, the FOIC approved recommendation for PTI,” ayon kay Navy Spokesman Lt. Col. Omar Tonsay.

Matatandaang ayon kay dating Marine Col. Ariel Querubin, nilinlang lang umano ang kanyang kaibigang si Mariano ng grupong Solidarity for Sovereignty para magsalita sa video na lumabas sa YouTube.

Kapag napatunayang nagkasala si Mariano ay hindi ito makatatanggap ng anumang benepisyo mula sa gobyerno bilang retiradong militar na maaari niyang ikakulong.

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply